Linggo, Nobyembre 5, 2017

NBA at Rakuten magsasanib-pwersa para palakasin ang basketball sa Japan

 Si Rakuten CEO Hiroshi "Mickey" Mikitani at NBA Commissioner
Adam Silver (pangatlo at pang-apat mula sa kaliwa) kasama
ang ilang executives noong inanunsiyo ang
NBA-Rakuten partnership. 
(Kuha mula sa Rakuten)
Magtutulungan ang National Basketball Association (NBA) at Rakuten, Inc. para isulong ang larong basketball sa Japan.

Inanunsyo ng dalawa ang multi-year partnership nito sa isang press conference na ginanap sa Tokyo kamakailan kung saan gagawing exclusive distribution partner ng NBA ang Rakuten para sa lahat ng live NBA games at global marketing partner sa Japan.

Ito na ang pinakakumprehensibong media partnership ng NBA sa Japan at ang kauna-unahan naman para sa Rakuten sa isang North American sports league.

“We are very excited to partner with the NBA to bring all the action of the world’s top basketball league to fans in Japan,” ani Hiroshi “Mickey” Mikitani, founder at CEO ng Rakuten, Inc.

“As we have recently announced that we are proud partners of the Golden State Warriors, the NBA’s reigning champions, it is an honor to expand our contributions to the global growth and development of basketball with this NBA partnership,” dagdag pa nito.

“Rakuten is one of the world’s most innovative companies and an ideal partner for the NBA,” pahayag ni NBA Commissioner Adam Silver. “Our new relationship with Rakuten speaks to the appetite that our passionate fans in Japan have for live NBA games and content, and we look forward to working with Rakuten to provide the most comprehensive NBA coverage to date.”

Ngayong season, iaalok ng Rakuten ang NBA League Pass, ang premium live game subscription service ng liga, para lamang sa mga Rakuten members sa Japan sa pamamagitan ng NBA.com, NBA App at video-on-demand service na Rakuten TV. Sa pamamagitan ng NBA League Pass ay mapapanood ng mga fans ang lahat ng NBA games kabilang ang preseason, regular-season at playoffs games, NBA All-Star, NBA Conference Finals at The Finals.

Iaalok din ng Rakuten ang subscription package sa Rakuten TV na magbibigay sa mga fans ng access sa siyam na laro kada linggo. Mabibili rin ang mga NBA at team merchandise sa e-commerce channels na Rakuten Ichiba at Ebates. Ang instant messaging platform na Rakuten Viber naman ay magbibigay ng access sa mahigit sa 900 milyon users nito ng league content.

Matatandaang inanunsyo ng Rakuten ang partnership nito sa Golden State Warriors noong nakaraang buwan kung saan simula sa 2017-18 NBA season ay magiging jersey-badge partner ito ng koponan.

Nagsimula ang presensya ng NBA sa Japan noong 1988-89 season. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento