Miyerkules, Nobyembre 8, 2017

Heart health: The connection of overworking and heart stress



Congestive heart failure (CHF) occurs when the heart muscle doesn’t pump oxygen-rich blood as well as it should to the body’s cells. A stage in which fluid builds up around the heart and causes it to pump inefficiently. Certain conditions, such as coronary heart diseases or high blood pressure, also gradually leave the heart too weak or still to fill and pump efficiently.

Ito ang pakahulugan ng Health Line, Mayo Clinic at American Heart Association patungkol sa congestive heart failure, na siyang ikinamatay ni Miwa Sado, ang noo’y 31-taong-gulang na Japanese journalist ng national public broadcasting organization na NHK. Namatay si Sado noong Hulyo 24, 2013 sa kanyang tirahan dito sa Tokyo.

Tatlong taon pagkaraan ng official ruling, mismong ang NHK ang nag-anunsyo ngayong buwan sa kanilang pang-gabing weekday news program “News Watch 9,” na ang heart failure ng dati nilang reporter ay dahil sa “karoshi” (overwork), ayon sa pagsisiyasat ng Shibuya Labor Standard Inspection Office.

Dagdag pa nito, nakapagtala ng kabuuang 159 na oras at 37 minuto na overtime si Sado isang buwan bago siya namatay pagkatapos ng assignment coverage nito sa magkasunod na Tokyo metropolitan assembly election at Upper House election ng taong iyon.

The condition of the heart and how it’s affected by exhaustion

“It can be inferred that she was in a state of accumulated fatigue and chronic sleep deprivation,” ang paglalarawan pa ng labor office sa naging kundisyon ni Sado.

Ayon sa Time Health, ang mataas na stress level ay posibleng magdulot sa puso na doblehin nito ang kanyang normal function. At mula rito, ayon mismo sa mga ekpersto ay malaki ang potensyal na maging sanhi ng tuluyang pagkamatay.

Dagdag pa ni Dr. Alan Yeung, medical director ng Stanford Cardiovascular Health, may dalawang klase ng emotional stress – acute stress at chronic stress. Ang acute stress ay inilarawan na nangyayari pagkatapos makaranas ng matinding trauma, halimbawa ay isang aksidente o natural calamity; at ang chronic stress naman ay naiipon habang tumatagal at may kaugnayan din sa kawalan ng ehersisyo at ‘di magandang eating habits na maaaring dahil sa sobra-sobrang pagtatrabaho.

Maging acute o chronic stress man ito, kapag naharap ang isang indibidwal sa masyadong mataas na stress level ay nagdudulot ito ng pagtaas ng heart rate at blood pressure. Ani Yeung, kadalasan sa mga pasyente ay mayroon ng heart conditions at kapag nadagdagan pa ng high stress level ay lalo pang magpapataas sa tsansa nila ng heart attack at heart failure.

Symptoms and ways of lessening stress

Ilan lamang ang confusion, shortness of breath, nausea, lack of appetite, chronic coughing, at fatigue sa mga sintomas ng heart failure.

Sa Amerika pa lamang ay may mahigit anim na milyong katao ang mayroon nito at lampas 900,000 na bagong kaso ang naitatala taun-taon.

Ayon naman sa Japan Institute for Labor Policy and Training, “undeniable problems in Japan’s work environment were especially detrimental to regular employees under age 35.”

Nang matanong naman si Dr. Yeung tungkol sa kaugnayan ng heart failure at stress, aniya, nakakamatay lamang ito kapag nagsama-sama ang iba’t ibang aspeto, gaya na lang ng mahaba at pang-matagalang stress, biglaang pagharap sa isang sitwasyon na stressful at isang heart condition na maaaring hindi pa alam ng isang indibidwal na mayroon siya.

Paliwanag pa ni Dr. Yeung, lahat ay pwedeng magkaroon ng heart failure habang tumatanda kaya’t mahalaga ang maagang intervention sa tulong ng espesyalista lalo na sa may kasalukuyan nang kundisyon sa puso. Payo rin niya ang paghingi ng suporta at paglalabas ng saloobin sa mga kaibigan at pamilya, regular na ehersisyo, healthy eating habits, pagtigil sa paninigarilyo, at regular na pagkakaroon ng downtime para mag-relax.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento