Linggo, Nobyembre 5, 2017

Mid-Autumn Festival masigabong sinalubong sa iba’t ibang Asian communities


“May we live long and share the beauty of the moon together, even if we are hundreds of miles apart.”

Bahagi ito ng isang makalumang Chinese poem na tumutukoy sa damdamin ng mga Chinese sa tuwing ipinagdiriwang ang Mid-Autumn Festival, na pumapatak sa ika-15 araw ng ikawalong lunar month. Ngayong taon, ipinagdiwang ito nitong Oktubre 4 at tumagal hanggang Oktubre 8 sa maraming Chinese communities sa iba’t ibang bansa sa Southeast at North Asia – China, Hong Kong, Taiwan, Macau, Japan, Malaysia, Vietnam, South Korea, Singapore, Philippines, at Thailand.

Ang Mid-Autumn Festival ang pinakamalaking tradisyonal na Chinese holiday season kasunod ng Chinese New Year. Bagaman may pagkakaiba ang klase ng selebrasyon sa bawat bansa, nangangahulugan ito para sa lahat ng pagkakataon para magkita-kita at magsama-sama ang mga magkakapamilya mula sa malalayong lugar, pagpapasalamat sa magandang ani, at paghahanda ng mooncake.

The moon at its brightest and fullest

Tinatawag din ito na Mooncake Festival dahil na rin sa binibigyang-pugay ng selebrasyon ang Moon Goddess. Ayon sa Discover Hong Kong, nagsimulang ipagdiwang ang pista sa unang bahagi ng Tang Dynasty (618-907) sa pamamagitan ng pag-aalay ng mooncakes, wine at prutas na hugis bilog sa Moon Goddess. Ito ay dahil sinisimbolo ng bilog na hugis ang pagkakaisa sa kulturang Chinese.

Nakasaad sa Handbook of Chinese Mythology ng Beijing Normal University at Chinese Academy of Social Sciences na nagmula ang Mid-Autumn Festival sa folktale ng mag-asawang Chang’e na isang diyosa, at Hou Yi, isang arkero.

Ani sa handbook, biniyayaan ng “elixir of immortality” si Yi pagkatapos niyang iligtas ang mundo ng mga tao nang panain niya ang siyam sa 10 araw na lumutang bigla sa langit. ‘Di niya tinanggap ang pabuya at piniling maging mortal kasama ni Chang’e. Ngunit nang tinangkang nakawin ng estudyante ni Yi ang elixir, nilunok na lang ito ni Chang’e kaysa ibigay ito sa kanya at siya ay lumipad sa buwan at dito na nanirahan.

The tradition of eating mooncakes

Nagsimulang sumikat ang mooncakes noong Yuan Dynasty nang gamitin ito bilang lagayan ng “secret notes” ng mga Han Chinese para pabagsakin ang mga namumunong Mongolian.

Kinakain pagkatapos ng hapunan ang mooncake na gawa sa makapal na lotus seed paste na nakabalot sa salted duck egg yolks at may thin crust. Iba’t ibang klase ang filling at crust nito depende sa rehiyon –chocolate, vanilla, mixed nuts at sesame, black/white mongo, ube, matcha, pandan, mochaccino, durian at iba pa.

Sa South Korea, tinatawag itong Chuseok (Korean Thanksgiving) kung saan dumadalaw ang mga pamilya sa mga ancestral graves, nanonood ng folk dancing at “songpyeon” (golf ball-size rice cake with red bean, chestnuts, sesame seeds).

Sa Japan naman ay kinikilala ito bilang Tsukimi na ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagkain ng “tsukimi dango” (made of rice, round white dumplings).

Different celebrations all over Chinese communities 

Sa Binondo, pinangunahan ng Lucky Chinatown ang pagdiriwang na nagdaos ng mooncake fair, lantern painting competition, community dice game, Little Lanterns Fashion Show, at Great Mooncake Bake-off Year 4.

Sa Hong Kong, nariyan ang mga lantern exhibitions at carnivals sa Victoria Park sa Hong Kong Island, Sha Tin Park at Tsing Yi Park;  ang thematic lantern display na “Enchanted Blossom Under the Moon” sa Hong Kong Cultural Centre Piazza; at Tai Hang Fire Dragon Dance sa Causeway Bay.  
Mayroon namang lantern display na “Waters of Prosperity,” light at music show na “Garden Rhapsody: Tales of the Moon,” traditional arts showcase na “Blossoming Harvest” food street, lantern decorating, umbrella painting, Chinese knots, lantern riddles, light installations, at Mediterranean Garden sa Gardens by the Bay, storytelling at craft workshops sa Sun Yat Sen Nanyang Memorial Hall at Esplanade, at carnival at lantern parade sa Chinatown.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento