Ni
Florenda Corpuz
Libu-libong mga tao ang
inaasahang dadalo sa pinakamalaking Halloween event sa bansa na ginanap sa
Kawasaki City nitong Oktubre 26.
Umabot sa mahigit sa
2,500 partisipante na nakasuot ng iba't ibang costume mula sa klasikong
Halloween witch hanggang sa mga paboritong cartoon characters ang pumarada sa
Kawasaki Fujimi Park sa harap ng Kawasaki Station.
Tinatayang nasa mahigit sa 110,000 manonood mula sa iba't ibang lugar sa Japan at maging ibang
bansa ang pumunta.
Nagsimula ang kasiyahan sa
isang parada na sinundan ng awarding reception kung saan tumanggap ng Y100,000 at roundtrip tickets for two papuntang Italya bilang premyo ang nanalo ng
"The Halloween Award."
Ginanap naman noong Oktubre 25
ang “Kid’s Parade” kung saan mahigit sa 1,000 mga bata edad anim pababa kasama
ang kanilang mga magulang ang paparada suot ang kanilang mga nakakaaliw na
costumes. Bukod dito, may mga film showings kung saan isa sa mga ipapalabas ay
ang Hollywood film na “Dracula Zero” at may club parties din na magaganap
hanggang sa katapusan ng buwan.
Ang Kawasaki Halloween ay
nagsimula bilang isang kasiyahan na may layong i-promote ang ganda ng lungsod
sa tulong ng mga lokal na shopping districts. Sa kasalukuyan, ito na ang
pinakamalaking Halloween event sa bansa na dinarayo maging ng mga dayuhang
turista mula ibang bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento