Ni
Florenda Corpuz
Tokyo, Japan – Bumisita sa bansa
ang lider ng simbahang Katoliko ng Pilipinas na si Manila Archbishop Luis
Antonio G. Cardinal Tagle mula Pebrero 1 hanggang 3 upang dumalo sa isang
pagtitipon sa Osaka.
Dinaluhan ng kardinal ang ika-400
taong kamatayan ni Dom Justo Takayama Ukon noong Pebrero 1. Si Dom Justo Takayama
Ukon ay isang Christian Daimyo noong Edo period. Iniwan niya ang nakasanayang
buhay at mga pag-aari sa Japan at mas piniling isabuhay ang Catholic Christian
faith sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang Daimyo na inilibing sa bansa noong
panahon ng Kastila.
Bago bumalik sa Pilipinas ay
nagsagawa ng misa si Cardinal Tagle sa St. Mary’s Cathedral sa Tokyo noong
Pebrero 2 na dinaluhan ng humigit-kumulang 1,000 mga Katolikong Pilipino at
dayuhan.
Nagpahatid ng pakikidalamhati ang kardinal
sa mga Pilipino at Hapon kasunod ng pagkakapaslang sa 44 na Special Action Force
(SAF) men at ang pagpugot sa ulo ng dalawang Japanese nationals na gawa ng mga
terorista.
“The Filipino and the Japanese
people are united in grief in our suffering.” pahayag ni Tagle.
“Let our communion and solidarity
be translated into common action for truth, love, respect for human life and
peace,” dagdag ng kardinal.
Samantala, matapos ang misa ay tuwang-tuwa
ang mga dumalo na lumapit at makapagkuha ng litrato kasama ang kardinal sa
labas ng simbahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento