Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa website ng UNESCO (© Agency for Cultural Affairs, 2013) |
Nangunguna ang Japan sa listahan ng
mga high-tech na bansa sa buong mundo. Ngunit sa kabila ng makabagong teknolohiya
at progresibong pamumuhay ng mga tao rito, patuloy nilang pinapahalaganan at
pinagyayaman ang kanilang kultura tulad na lamang ng paggawa ng traditional
Japanese handmade paper o “washi” na noong
Nobyembre 2014 ay napasama sa listahan ng UNESCO Intangible Cultural Heritage.
Kasaysayan
ng washi
Ang washi ay nag-ugat sa mga salitang Hapon na “wa” na ang ibig sabihin ay “Japanese” at “shi” na ang kahulugan naman ay “paper.” Sa China, unang ginawa ang
papel noong unang siglo at ang sining nito ay dinala sa Japan ng mga Buddhist
monks noong 610 AD na gumagawa nito para sa pagsusulat ng mga sutra. Nakarating
sa Europa ang kaalaman sa paggawa ng papel noong ika-13 siglo.
Noong huling bahagi ng 1800’s,
umabot sa humigit-kumulang 100,000 pamilyang Hapon ang gumagawa ng papel gamit
ang kanilang mga kamay. Bumaba ito sa 479 noong 1983 matapos ipakilala ng
Europa ang mechanized papermaking technology. Sa ngayon ay tatlong komunidad na
lamang sa Japan ang gumagawa nito: Misumi-cho sa Hamada City, Shimane
Prefecture: Mino City sa Gifu Prefecture; at Ogawa Town/Higashi-chichibu
Village sa Saitama Prefecture.
Raw
materials at paraan ng paggawa
Ang washi ay gawa mula sa mga hibla
ng kozo tree o paper mulberry at
ginagamit sa paggawa ng mga sulat, libro, paper screens, room dividers at
sliding doors. Binababad ito sa malinaw na tubig-ilog, pinapakapal at sinasala
sa pamamagitan ng bamboo screen. Pinapatuyo ito sa kahoy o metal boards.
Tungkulin ng mga tao sa komunidad
na gumagawa nito ang panatilihing buhay ang craftsmanship na ito – mula sa
paglilinang ng halaman ng mulberry, mga paraan o techniques at ang paglikha ng
mga bagong produkto upang i-promote ito sa loob at labas ng bansa.
Pagpapayaman
sa washi
Ipinapamana ang kaalaman sa washi
papermaking sa pamamagitan ng tatlong paraan: Una sa pagitan ng pamilya,
pangalawa sa pamamagitan ng mga asosasyon at pangatlo ay ang pangangalaga ng
mga lokal na pamahalaan ng lugar.
Itinuturo ng washi master ang
technique na minana pa nila mula sa kanilang mga magulang sa mga miyembro ng
pamilya o ‘di kaya ay mga trabahador. Ang pamamaraan at tradisyong ito ay nagsisilbing
cultural identity ng bawat komunidad.
UNESCO
Intangible Cultural Heritage of Humanity
Napagdesisyunan sa 9th Session of
the Intergovernmental Committee for the Safeguarding of the Intangible Cultural
Heritage na ginanap sa Paris, France na isama ang washi sa listahan ng UNESCO Representative
List of the Intangible Cultural Heritage of Humanity na kinabibilangan ng “Hosokawashi”
mula sa Saitama Prefecture, “Honminoshi” mula sa Gifu Prefecture at “Sekishubanshi”
mula sa Shimane Prefecture. Ito ay dahil patuloy ang mga taong gumagawa nito sa
paggamit ng mga tradisyonal na pamamaraan.
“The Washi is the symbol of
‘Japanese skill’ of which we have to be proud of. The elegant Japanese washi
catches the world’s attention not only in the field of arts but also various
areas, since it is used for restoration of cultural properties and for
ecological products, by making use of its durability and tenacity,” pahayag ni
Foreign Minister Fumio Kishida.
“We are committed to succeed this
Washi to the next generation, and promote its excellent value to the world,”
dagdag pa nito.
Ang washi ay ang pang-22 Intangible
Cultural Heritage Registrations ng Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento