Ni
Florenda Corpuz
Kuha ni Din Eugenio |
Tokyo, Japan – Isang furniture at
home décor exhibition na tinawag na “Philippine Design Exhibition” ang binuksan
sa publiko sa Tokyo Midtown Design Hub sa Roppongi noong Pebrero 18 hanggang
Marso 22.
Kabilang sa mga produktong ibinida
(yari sa fibers, textiles, papel, coconut, shells, kahoy at metal) ay mga obra
ng mga pamosong Pinoy designers na sina Al Caronan, Ann Pamintuan, Antonio
“Budji’ Layug, Carlo Cordaro, Kenneth Cobonpue, Luisa Robinson, Maria Cristina
“Maricris” Floirendo-Brias, Miguel Carlos Aguas, Milo Naval, Renato Vidal, Rene
Alcala, Tes Pasola, Tony Gonzales at Vito Selma. Sila ay mga miyembro ng
Movement 8, isang alyansa ng mga Pinoy designers na hangad ay ibahagi ang
kanilang talento at pagiging malikhain upang isulong ang disenyong Pilipino sa
buong mundo.
Pinangunahan ni Philippine
Ambassador to Japan Manuel M. Lopez ang pagbubukas ng exhibit na inilarawan
niya bilang “a venue to showcase in the world stage the Filipino excellence,
ingenuity and unique creativity.”
Sa kanyang opening remarks, sinabi
ni Lopez na “this path of creativity and tradition of excellence continues to
be proudly carried by all the designers featured in this exhibit today – how
their works reflect life, nature, the human spirit and this generation’s
responsibility to preserve the environment.”
“Philippine designers pool their God-given
talents to foster greater awareness and appreciation of the value of design – especially
how ideas add value to products and the quality of human life and how
innovation promotes linkages between world-wide communities. Designers
exemplify the philosophy that dreams should be bigger, allow to travel further
and create new things that mange to keep this world a constant place of
wonder,” dagdag pa ni Lopez.
Dinaluhan din ng humigit-kumulang
100 mga bisita at importers mula sa iba’t ibang kumpanyang Hapon ang pagbubukas.
Ang exhibit ay inorganisa ng Office
of Trade and Investment, Philippine Embassy, sa pangunguna ni Commercial
Counsellor Maria Bernardita Angara-Mathay, sa suporta ng ASEAN Japan Centre, at
dinaluhan ng 14 exporters mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas na
nagtataguyod ng Philippine artistry at craftsmanship.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento