Ni
Florenda Corpuz
Tulad nang nakagawian taun-taon ay
inaabangan na ng maraming tao ang pamumukadkad ng mga cherry blossoms o “sakura”
na simbolo ng pagpasok ng panahon ng tagsibol o spring o “haru” sa Japan.
Noon pa man ay malaking bahagi na ng
kulturang Hapon ang sakura. Ito ay nagsilbing inspirasyon para sa mga sundalong
Hapones noong World War II kung saan ito ay nakalarawan sa mga bandila,
eroplano at insignia. Kadalasan din ay iniuugnay ito sa mga “bushi” at “samurai.” Sa kasalukuyan, ito ang pangunahing
atraksyon ng bansa tuwing tagsibol upang dayuhin ng mga lokal at dayuhang
turista ang iba’t ibang lugar dito.
Mayroong mahigit sa 400 uri ng
sakura ang makikita sa Japan. Ilan sa
pinakapopular ay ang “somei yoshino,” “ichiyo,” “yamazakura” at “chrysanthemum
cherry.”
Mahalaga para sa mga Hapon at
dayuhang turista ang malaman kung kailan mamumukadkad ang sakura sa iba’t ibang prepektura sa bansa
dahil nakagawian na nila ang pagsasagawa ng flower viewing party o “hanami” habang
kumakain o umiinom sa mga parke, sa paniwalang naghahatid ito ng pagkakasundo
sa mga magkakapamilya at magkakaibigan.
Cherry Blossom
Forecast 2015
(Source: Japan
Weather Association)
Location Opening
Estimated Best Viewing
Tokyo March
26 April 1-9
Kyoto March
26 April 2-10
Kagoshima March
25 April 1-9
Kumamoto March
21 March 29-April 6
Fukuoka March
21 March 28-April 5
Hiroshima March
25 March 31-April 8
Matsuyama March
23 March 29-April 6
Takamatsu March
26 April 1-9
Osaka March
26 April 2-10
Nara March
27 April 2-10
Yoshino April
3 April
9-19
Nagoya March
25 April 1-9
Yokohama March
27 April 2-10
Kanazawa April
3 April 7-15
Nagano April
11 April 15-23
Fukushima April
9 April
12-20
Sendai April
12 April 17-25
Aomori April
24 April 28-May 6
Hakodate May
2 May
5-12
Sapporo May
5 May
7-14
Note:
The forecast is subject to change due to weather conditions.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento