Nagpugay ang Japan noong 2006 nang tanghaling Miss
Universe first runner-up si Kurara Chibana na crowd favorite noon. Nakuha rin
niya ang Best National Costume award sa kanyang samurai-themed costume na idinisenyo
ni Yuichi Miyagawa at Yoshiyuki Ogata.
Ngayon, mahigit siyam na taon ang nakaraan, marami na
ang nangyari sa Okinawan native na si Chibana. Mula sa pagiging TV reporter sa
NTV show na “News Zero” pagkatapos ng Miss Universe, modelo at spokesperson ng
kilalang brands gaya ng Maybelline, hanggang sa italaga siya bilang
kauna-unahang National Ambassador Against Hunger para sa Japan ng United
Nations World Food Programme (WFP) noong Disyembre 2013.
Taking her newest challenge
Mahilig si Chibana na hamunin ang sarili niya sa
ibang mga bagay gaya ng pag-arte sa pamamagitan ng kanyang recurring role bilang
ang yoga instructor na si Rika Kano sa Fuji TV comedy-drama na “Offbeat Chief
Police.”
“It is a good balance of comedy and
drama. Comedy suits my personality. My character is very cheerful and
open-hearted. I took acting lessons and yoga lessons. It was really tough at
first and still is, even now. It is a big challenge,” ang pahayag ni Chibana sa
isang panayam ng Japan Today.
Committed
ambassador to World Food Programme
Nagsimula siya bilang WFP
Celebrity Partner noong 2007 at simula noon ay dumayo na sa iba’t ibang bansa
gaya ng Zambia (2008), ‘Pinas (2009), isang nayon sa Sri Lanka (2010),
tsunami-hit areas sa Japan (2011), Tanzania (2012), isang health post sa
Ethiopia (2013), Jordan (2014), Kyrgyzstan
(2015), at Kenya (2016).
Nang maitalaga siyang
ambassador noong 2013, agad niyang hinikayat ang mga tagahanga na suportahan
ang mga mamamayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng WFP pagkatapos ng bagyong
Yolanda.
At ngayong taon, bumisita
siya sa Jumabunguzi Farmers Organization sa
Salima, Malawi kung saan gumawa ang WFP ng isang warehouse na pinaglalagyan ng
mga magsasaka ng kanilang mga ani para mabawasan ang mga nasisira nang dahil sa
matinding tagtuyot.
Kinumusta rin niya ang kalagayan ng mga kabataan sa
Kapira Primary School na tumatanggap ng Home Grown School Meals Programme; sa
mga magsasaka sa Balaka na tinuturuan ng irrigation farming, fish farming,
reforestation, compost making, drought-resistant crop production; at sa mga
batang may malnutrisyon at mga ina sa Mbela Health Centre na binibigyan ng
Supplementary Feeding Programme.
Okinawan beauty and intellect
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento