Ni Jovelyn Javier
Kuha mula sa Visit Japan website |
Pinamagatang “Japan―Where
tradition meets the future” ang pinakabagong large-scale campaign ng Japan na
inilusad at inumpisahan ngayong Nobyembre sa opisina ng Japan National Tourism
Organization (JNTO) sa London, England. Bahagi pa rin ito ng “Visit Japan”
project ng JNTO.
Layunin
nitong itaas pa ang tourism demand papasok ng bansa mula sa mga European
tourists na mula sa 15 bansa sa Europa gaya ng United Kingdom, Italy, France,
Spain, Germany, Sweden, Norway, Netherlands, Denmark, Poland, Finland, Austria,
Turkey, Israel, at Belgium.
“So far,
the number of European visitors to Japan is not so big, compared with China or
South East Asia. But it is growing steadily, last year we enjoyed over 100,000
passengers,” pahayag ni Akira Nakamura, Senior Vice President ng All Nippon Airways
-- Europe, Middle East, Africa.
“When the Tokyo Olympics is held we are aiming
for 40 million visitors and $80 billion US in spending. These are very
challenging figures we are now working to achieve,” pahayag ni Ryoichi
Matsuyama, JNTO president, sa Euronews.
Napag-alaman,
batay sa resulta ng pagsisiyasat sa mga turista, na ang pinupuntahan nila sa
Japan ang kakaiba ngunit magkatugmang kumbinasyon ng “tradition” at “innovation.”
Maliban
sa tradition at innovation, tinukoy din na pangunahing konsepto nito ang
dalawang keywords na “identity” at “authenticity” na pangunahing key points din
sa mga kampanyang gagawin para isulong ang Japan bilang lugar ng kaganapan ng
2019 Rugby World Cup at 2020 Olympics.
Maliban
sa iba’t ibang klase ng anunsiyo na makikita sa telebisyon, internet, mga lugar
ng transportasyon, sinehan, shopping malls, at iba pang pangunahing lugar sa
mga nasabing bansa ay tampok din ang
isang tatlong minutong interactive movie bilang pangunahing campaign content, na ginawa pa ni German filmmaker Vincent
Urban, na siya rin producer ng “In Japan
– 2015.”
Tampok
sa short movie ang iba’t ibang bird’s eye view scenes mula sa 45 lokasyon sa
bansa mula sa perspektibo ng isang European traveler. Nagsisimula ito sa mga
pangunahing modern landmarks gaya ng Tokyo Tower at Tokyo Skytree, gayon din
ang mga video arcade sa electronic town Akihabara, humanoid robot
sa National Museum of Emerging Science and Innovation, at ilustrasyon ng
karaniwang pang-araw-araw na pamumuhay sa discount shopping destination na Don
Quijote at “yokocho” o kalye ng mga magkakatabing izakaya.
Nariyan
din ang marilag na tanawin ng Dorokyo gorge sa Wakayama prefecture, pilgrimage routes sa
Kumano Kodo at ang matayog na Great Buddha hall sa Todaji Temple sa Nara
prefecture.
Pagdating
naman sa tradisyonal na kultura ay ilan lamang ang Buddhist rites, chado (tea
ceremony), kyudo (Japanese archery) at mochi rice-cake pounding sa mga
itinampok dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento