Kuha
mula sa Prime Minister’s Office of Japan
|
Idinagdag ng United Nations
Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa listahan ng Intangible Cultural
Heritage ang 33 traditional festivals ng Japan.
Sama-sama bilang single entry ang
mga ito na ginaganap sa 18 prepektura ng bansa at tampok sa mga parada gamit
ang mga floats.
Isinagawa ng Intergovernmental
Committee ng UNESCO na binubuo ng 24 na bansa ang desisyon na isama ang “Yama,
Hoko, Yatai, float festivals in Japan” sa listahan noong Disyembre 1 sa isang
pulong na ginanap sa Addis Ababa, Ethiopia.
“I could not be any happier,” sabi
ni Prime Minister Shinzo Abe sa isang pahayag.
“The ‘33
Yama, Hoko, Yatai, float festivals’ throughout Japan have been inherited by the
various regions over many generations. We would like to pass them on to future
generations and promote them domestically and internationally with pride,”
dagdag pa niya.
Nagpahayag din ng
kagalakan si Foreign
Minister Fumio Kishida sa magandang balita.
“I am very pleased with the
decision. I express my sincere respect to all relevant people who dedicated
until today for promotion and succession of ‘Yama, Hoko, Yatai, float festivals
in Japan.’
“The 33 festivals of ‘Yama, Hoko, Yatai,
float festivals in Japan’ have their own character as well as common points
between each other. They also show many kinds of attractions of their own
region in Japan.
“I hope more people are interested
in various regions in Japan thanks to ‘Yama, Hoko, Yatai, float festivals in
Japan’ and promote their excellent values to the world,” pahayag ni Kishida.
Kabilang sa 33 festivals ang Kakunodate-matsuri
no Yama-gyoji sa Semboku, Akita Prefecture; Chichibu-matsuri no Yatai-gyoji to
Kagura sa Chichibu, Saitama Prefecture; Takayama-matsuri no Yatai-gyoji sa
Takayama, Gifu Prefecture; Nagahama Hikiyama-matsuri no Hikiyama-gyoji sa
Nagahama, Shiga Prefecture; at Hakata Gion Yamakasa-gyoji sa Fukuoka Prefecture.
Nagsasagawa ng float festivals sa
mga lokal na komunidad sa iba’t ibang lugar sa Japan taun-taon para mag-alay ng
panalangin sa kanilang mga diyos para sa kapayapaan at proteksyon sa mga
sakuna.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 21 intangible
cultural heritages.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento