Kuha mula sa Instagram ng Tabimori, Inc. |
Para
mabigyan ng pagkakataon ang mga dayuhang turista sa Tokyo na matutuhan ang
kasaysayan at tradisyon ng Edomae-style sushi habang kumakain ng malinamnam na
sushi dish, inilunsad ng isang kumpanyang Hapon ang sushi-interpreting service
na tinawag na “Sushi University.”
Binuksan
ito ng Tabimori, Inc. na matatagpuan sa Itabashi-ku kamakailan sa pangunguna ng
presidente nito na si Tetsuya Hanada para matulungan ang mga dayuhang turista
na patuloy na dumarami at inaasahang aabot sa 30 milyon sa taong 2020.
Mababasa
ito sa wikang Ingles, French, Chinese, Korean at walo pang ibang lenggwahe.
“The
service is designed to meet the growing global demand for sushi,” pahayag ng
kumpanya.
“The
more high-end the restaurant, the more menus are exclusively ‘omakase,’ or left
to the chef’s discretion. This means tourists do not know which food will
appear, or when. While Japanese diners find this an exciting surprise, the
guest from overseas may feel flustered, finding sushi delicious but the
uncertainty of handing off all decisions to be a cause for concern. Even if
they like the dishes, they struggle to enjoy the cuisine on the level that
Japanese do, knowing about sushi culture and being able to communicate with the
chef.”
Ang
Edomae ay nangangahulugang sushi na gumagamit sa isda na nahuli sa Edo town.
Ngunit hindi ito sapat para sa milyun-milyong sushi lovers. Ang mga Edomae
sushi chef ay gumagamit ng mga sangkap tulad ng suka at tinimplahan ng toyo
pagkatapos asinan na karaniwang ginagawa para ito ay mapreserba.
Ilan
sa mga popular na sangkap ng sushi ay ang bluefin tuna, gizzard shad, horse
mackerel, botan shrimp, spotted halibut, salmon roe, tekkamaki, Japanese
amberjack at kuruma prawn.
Mayroong
tatlong kurso na pwedeng kunin – basic, intermediate at advanced. Ito ay
isasagawa sa isang sushi restaurant na napili malapit sa opisina kung saan ang
sushi chef ay magtuturo sa wikang Hapon at ita-translate ng interpreter.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento