Ni
Florenda Corpuz
Dinarayo ang mga lugar ng Kanto at Tohoku
tuwing winter season dahil sa kakaiba at kaaya-ayang winter sceneries dito kung
saan may seasonal events din na isinasagawa.
Sa Tochigi Prefecture, partikular
ang lugar ng Nikko at Kinugawa na kilala bilang hot spring resorts,
napapalibutan ito ng mga nakakamanghang hiwaga ng kalikasan at makasaysayang
mga gusali tulad ng Nikko Toshogu Shrine na pangunahing kinatawan ng mga
shrines at temples ng UNESCO World Heritage.
Magugustuhan dito ang iba’t ibang winter
sceneries at unique activities tulad ng Kamakura Festival sa Yunishigawa Onsen,
Okunikko Yumoto Onsen Snow Festival, Ouchi-Juku Snow Festival (Fukushima
Prefecture) at Juhyo Festival sa Zao Onsen Ski Resort (Yamagata Prefecture).
Kamakura
Festival
Event
dates: Enero 28 -
Marso 5, 2017
Location: Yunishigawa Onsen, Nikko-shi,
Tochigi
Kilala bilang “Night View
Inheritance of Japan,” ito ay winter tradition ng Yunishigawa Onsen kung saan
nakalilikha ng hanay ng maliliit na “kamakuras” o igloos na napapailawan ng mga
kandila sa loob sa tabi ng ilog.
Nadedekorasyunan din ang mga
kalsada sa hot spring town na ito ng mga snowmen at snow lanterns kaya naman
ito ay tinawag na “Historical & Cultural Night View Heritage” ng Night View
Inheritance of Japan. Sa loob ng kamakura ay ma-e-enjoy din ang pagkain ng
barbecue, outdoor hot spring, foot bath at iba pang snow activities.
Okunikko
Yumoto Onsen Snow Festival 2017
Event
dates: Yukiakari:
Pebrero 6 - 12, 2017
All Japan Ice Sculpture Okunikko
Competition: Jan 28 (Sat)
Yunoko Lake Fireworks
Display: Feb 11 (Sat)
Location: Yumoto-onsenkyo, Nikko-shi,
Tochigi
Iba’t ibang kaganapan ang makikita
rito kabilang ang “Yukiakari” kung saan 500 kamakuras na napapailawan ng
kandila sa loob ng Yumoto Park at itinuturing na “Light Up Night View Heritage”
ng Night View Inheritance of Japan.
Gaganapin din ang “All Japan Ice Sculpture
Okunikko Competition” sa Enero 8 kung saan ang mga chefs mula sa iba’t ibang
hotel at ang mga iskultor mula sa iba’t ibang bahagi ng Japan ay
magtitipun-tipon sa Okunikko para lumikha ng ice sculptures na idi-display sa
loob ng igloos.
Ouchi-juku
Snow Festival
Event
dates: Pebrero 11 –
12, 2017
Location: Ouchi-juku, Shimogo,
Minamiaizu-gun, Fukushima
Ang Ouchi-juku ay isang lodging
town na binuksan noong Edo period na ginagamit ng mga samurai at merchants na
bumibiyahe sa Tokyo (Edo) at Tohoku. Ngayon ay kilala na ito bilang “Samurai
Village” dahil napreserba ang orihinal na village scenery dito.
Noong 1981 ay itinalaga ito bilang Important
Preservation District for Groups of Traditional Buildings, at ang mga kabahayan
ay ginawa ng souvernir shops at soba restaurants. Tuwing festival ay iba’t
ibang makukulay na kaganapan ang isinasagawa na nagpapakita ng katangian ng
rehiyon tulad ng traditional performing arts, “yosakoi” dance at fireworks
display.
Juhyo
Festival Light up
Event
dates: Deisyembre
23, 2016 – Marso 5, 2017
Location: Zao Onsen Ski Resort,
Yamagata-shi, Yamagata
Sa Zao Onsen Ski Resort ginaganap
ang Juhyo Festival kung saan iniilawan ang snow-covered white fir trees na
tinatawag na “Juhyo” o “Snow Monsters” hanggang Marso 7. Gaganapin din ang “Juhyo
Corridor of Fantasy” tour sa “Night Cruiser,” isang espesyal na snow mobile na
may heating capacity kung saan magkakaroon ng close-up experience sa mga
napapailawang Juhyo at silver frost habang nakasakay.
Maaaring tunguhin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsakay sa mga tren ng Tobu Railway Co. Ltd., ang
pinakamalaking private railroad company sa Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento