Isa sa mga pangunahing isyu ng bansang Japan ay ang
patuloy na lumalaki pang populasyon ng mga senior citizens, na inaasahang
pumalo nang mahigit sa 40 porsyento o tinatayang 23 milyon na mga residenteng
nasa lampas sa edad na 75. Kasabay din ng paglaki ng populasyon ang lumalaki
rin na pondo at paggastos ng pamahalaan sa social security services.
Sa kabila nito, bagaman nasa kanilang golden years na
ang karamihan ng Japanese kumpara sa mga mas nakababatang henerasyon, napakarami
rin ang senior citizens na nananatiling malusog sa parehong pisikal at mental
na aspeto, na siyang bunsod ng makabagong pamantayan ngayon sa pangkalusugang
estado ng populasyon at sentro ng diskusyon sa kung kailan nga ba maituturing
na “elderly” ang mga senior citizens.
More empowered senior
citizens
Ang kasulukuyang social security system ay nakaayon
sa depinisyon na ang mga residenteng nasa edad 65 pataas ay nangangailangan na
ng suporta sa iba’t ibang kategorya — pension system, health services, personal social
services, family policy, employent of senior workers.
Dahil dito, ipinapanukala ng Japan Gerontological
Society at Japan Geriatrics Society ang pagbabago ng kategorya sa mga seniors — mula sa edad na 65 (based on 1956 United Nations Report) ay
gagawin nang edad 75 at pataas ang mga mapapabilang sa kategorya ng “elderly,” “semi-elderly”
naman mula sa 65 hanggang 74, at “super-elderly” mula 90 pataas.
Pinag-aralan
din ng gerontological society ang mga health-related data na nakitaang mas
bumubuti pa sa bawat taon, ang patuloy na aktibong partisipasyon ng mga nasa
edad 65-74 sa mga social at volunteer activities, at ang resulta ng Cabinet
Office survey na nagsabing saka lamang dapat kabilang bilang elderly sa mga
kalalakihan sa edad na 70 pataas at edad 75 pataas sa mga kababaihan.
Growing life expectancy
Ayon sa
report ng NHK World, ang average life expectancy noong 1956 ay nasa edad 63 sa
mga kalalakihan at 67 sa mga kababaihan. Nitong 2015, bunsod na rin ng medical
at nutritional advancements, nasa edad 80 na sa kalalakihan at 87 naman sa
kababaihan.
Kaugnay
nito, patuloy din ang paglawak ng industriya ng elderly advanced monitoring
services para masiguro ang seguridad ng mga seniors, gaya na lang ng
newly-developed Secom My Doctor Watch, isang smart wristband ng security
provider company na Secom na inaasahang ilunsad ngayong summer.
Kapag
nakatukoy ito ng abnormal movement, maglalabas ito ng emergency warning at sa
tulong ng GPS signal ng smartphone ng may suot nito, makakarating ito sa monitoring
center ng Secom at makapagpapadala ito ng tulong.
Sa
presentasyon kamakailan, plano ng kumpanya ng magdagdag pa ng ibang features at
services partikular na sa safety at security ng gagamit ng wristband. Aniya,
mas mababa sa ¥1,000 ang service fee nito
bawat buwan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento