Ayon sa mga kwento at pagsasaliksik, malalim ang
pinagmulan ng tradisyon ng New Year’s resolutions. Sa mga Babylonians, na noon ay nangangako sa
kanilang mga diyos na ibabalik nila ang anumang mga bagay na kanilang hiniram
at magbabayad ng kanilang pagkakautang sa tuwing mag-uumpisa ang taon; sa mga
Romans naman na ginagawa ang kanilang mga pangako kay Janus, ang diyos ng
pagtatapos at pagsisimula at kung kanino rin ipinangalan ang buwan ng Enero; at
sa mga kabalyero noong Medieval period na isinasagawa ang tinatawag na “peacock
vow” sa pagtatapos ng Kapaskuhan bilang bagong pagpapatibay ng kanilang dedikasyon sa kanilang mga tungkulin.
Ngayon, bagaman, hindi na kagaya ng dati ang
pamamaraan sa tradisyong ito, hindi naman nawawala ang saysay nito sa maraming
tao na ginagamit itong gabay nila sa pagpasok ng bagong taon. Magandang
pagkakataon na gumawa ng travel resolutions – mga bagay na partikular tungkol
sa sinumang gustong tumuklas ng mga bagong kultura at lugar.
Narito ang ilang ideya mula sa Skyscanner, isang
nangungunang global travel search site, para sa isang mas exciting na travel adventures
mo ngayong 2017.
Be outside of your comfort
zone
Una na riyan ang mag-travel mag-isa na dapat talagang
subukan ng sinuman mapa-local destination man o ibang bansa. Bagaman medyo
nakakatakot sa umpisa o iisipin mong ‘di mo kakayanin, ang totoo ay ito nga ang
hamon dito. Isang magaling na confidence booster ang ganitong karanasan at
tunay na isang life-changing experience. Magagawa ang anumang gusto mong gawin
sa sarili mong oras at paraan at kakailanganin mo talagang makipag-usap sa mga
tao sakali mang maligaw ka.
‘Wag mong isipin ang sasabihin ng iba, lalo na’t
hindi nakaugalian sa ating mga Pinoy ang ganito na mahilig talaga magsaya na
may mga kasama o grupo. Kung hindi mo pa ito nagagawa dati, ito na ang
magandang pagkakataon para tuparin ito.
Have richer travelling
moments
Uso ngayon iyong sa loob ng limang araw ay tatlong
lugar ang mapupuntahan na may tour guide at iba pang amenities ngunit sa
paraang ito ay hindi ka gaanong nagkakaroon ng mas memorableng karanasan sa mga
lugar na iyong pinuntahan dahil limitado lang ang oras, maging ang mga partikular
na lugar na maaari mo pa sanang madiskubre. Ika nga, “travel slowly and savor
every moment.”
Maganda rin ang pumunta sa mga panibagong lugar
maliban sa iyong mga favorite destinations na lagi mong binabalik-balikan. Sa
ganitong paraan, nakakagawa ka ng mga panibagong karanasan at mga masasayang
alaala sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan dati.
Take more time off from
social media
Dahil naman social media capital ang ‘Pinas,
karamihan ng mga Pinoy ay may mas maraming oras sa social media sa kanilang
getaways – share sa Facebook, Instagram, Twitter at iba pa. Hindi ba’t mas
maigi kung mas pagtutuunan mo ng atensyon ang destinasyon na iyong pinupuntahan
kaysa ang unahin ang ibahagi ito sa social media? Makapaghihintay ang
pagbabahagi ng iyong vacation photos sa mga kaibigan.
Master the quick weekend trips
Dahil hindi naman posibleng laging mahaba ang
bakasyon, maaari ka pa rin naman mag-quick weekend getaway sa mga lugar na ‘di
kalayuan para makapagpahinga sa iyong pang-araw-araw na
bahay-trabaho-trabaho-bahay. Enero pa lang ay pag-aralan na kung paano iaayon
ang iyong vacation leave sa bilang ng mga official holidays sa susunod na taon.
Maaari rin naman biglaang mag-quick Sunday drive.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento