Kuha mula sa Legoland Japan |
Nakatakdang magbukas sa darating na
Abril 1 ang theme park na Legoland Japan sa Minato Ward sa Nagoya City.
Ito ang kauna-unahang outdoor theme
park na bubuksan sa Japan at pang-walong Legoland sa mundo kabilang ang nasa Denmark,
California, England, Germany, Malaysia, Florida at Dubai.
Ayon sa operator ng Legoland Japan,
halos kumpleto na ang 80 porsyento ng mga pasilidad ng theme park matapos
simulan ang konstruksyon nito noong Abril 2015 kung saan mahigit sa 600 staff ang
kukunin para magtrabaho.
“We are delighted to be bringing
Legoland to Japan and particularly here to Nagoya where we have received so
much support from the City and from Mayor Kawamura and his colleagues.
“We look forward to working closely
with them as the project progresses, and have no doubt that through their
continued efforts this region and the City of Nagoya will become a major family
leisure destination both for Japanese and international visitors.
“Legoland Japan will certainly, we
believe, play a key role in driving that strategy, adding a new and exciting
dimension to the entertainment which is on offer,” pahayag ni Merlin
Entertainment PLC CEO Nick Varney, ang operator ng Legoland, sa ground breaking
ceremony.
May laking 9.3 ektarya, bubuksan
ito sa publiko partikular sa mga bata edad dalawa hanggang 12 ang Legoland
Japan. Mahigit sa 40 atraksyon ang mae-enjoy tulad ng roller coaster at replika
ng mga gusali na binuo mula sa Lego bricks kabilang ang Nagoya Castle na tinayo
mula sa mahigit sa 225,000 plastic bricks.
Ayon kay Legoland Japan President
Torben Jensen, target ng theme park na makaakit ng dalawang milyong turista sa
unang taon ng operasyon nito.
Nagkakahalaga ng ¥17,300 ang yearly
passes para sa mga matatanda habang ¥13,300 naman ang para sa mga bata.
Mabibili ito sa website ng Legoland Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento