Kuha mula sa Embassy of Japan in the Philippines |
Ginawaran ng Grand Cordon of the
Order of the Rising Sun si dating Prime Minister Cesar Enrique Aguinaldo Virata
sa isang seremonya na ginanap sa Japanese Ambassador’s Official Residence sa
Pilipinas kamakailan.
Kinilala si Virata dahil sa kanyang
“contribution to promoting friendly relations and developing economic
cooperation between Japan and the Philippines.”
Pinangunahan ni Japanese Ambassador
to the Philippines Kazuhide Ishikawa ang seremonya.
Dinaluhan din ni Senate President
Pro-Tempore Franklin Drilon ang pagtitipon kung saan siya ay nagbigay ng
congratulatory remark. Kamakailan ay iginawad din ang parehong parangal sa
senador sa pangunguna nina Emperor Akihito at Prime Minister Shinzo Abe sa
isang seremonya na ginanap naman sa Imperial Palace sa Tokyo.
Si Virata ang pang-apat na prime
minister ng Pilipinas na nanungkulan mula taong 1981 hanggang 1986 sa ilalim ng
Interim Batasang Pambansa at ng Regular Batasang Pambansa habang nanunungkulan
din bilang Finance Minister.
Bago naging pulitiko ay nagturo sa
business school ng Unibersidad ng Pilipinas si Virata at naging dean ng College
of Business Administration. Ipinangalan sa kanya noong Abril 12, 2013 bilang Cesar
E.A. Virata School of Business ng University of the Philippines Board of
Regents (BOR) ang naturang business school.
Siya ay apo sa pamangkin ni Emilio
Aguinaldo, ang unang pangulo ng bansa. Siya ay MBA degree holder mula sa Wharton
School of the University of Pennsylvania.
Ang Grand Cordon of the Order of
the Rising Sun ang kauna-unahang opisyal na dekorasyon ng Japan na binuo noong
1875 na nagbigay-daan sa pagsisimula ng honors system sa bansa. Sina Virata at Drilon
ay dalawa sa anim na dayuhan na ginawaran ng prestihiyosong parangal ngayong
taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento