Naunang napabalita noong Mayo
2015 ang partnership sa pagitan ng Nintendo at Universal Parks & Resorts
para dalhin ang video game world at mga iconic characters nito gaya nina Super
Mario, Luigi, Toad, Zelda, Donkey Kong, Domo, Link, at marami pang iba sa
Universal Studios bilang theme park.
Sa inilabas na press
release mula kay Universal executive Tom
Schroder, inihayag niyang magiging tunay na repleksyon ang gagawing
theme park na gaya ng kilala ng mga Nintendo fans na para bang sila ay
naglalaro sa mundo ng kanilang mga paboritong Nintendo games.
Larger than life Nintendo adventure
Kamakailan lamang, nagbigay ng update ang parehong kumpanya
tungkol sa proyekto. Sa pagkakataong ito, mas marami nang detalye ang kalakip
ng bagong anunsyo.
“They’ll be highly themed and authentic environments filled
with multiple attractions, shops and restaurants. It will be a realm filled
with iconic Nintendo excitement, gameplay, heroes and villains,” ani Schroder.
Binanggit
na rin kung saan-saang Universal Studios balak ipatayo ang Nintendo theme parks
– Universal Studios Japan, Universal Orlando Resort, at Universal Studios
Hollywood. Kaugnay ng update ay ipinakita na rin sa publiko ang isang video
teaser na pasilip sa mga ilang bagay na dapat abangan mula sa Nintendo theme
parks.
Sinabi
nina Nintendo at Universal executives – Shigeru Miyamoto (Nintendo creative
director) at Mark Woodbury (Universal Creative) sa isang pahayag na kasalukuyan
nang ginagawa ang unang theme park ngunit hindi sinabi kung alin sa tatlong
Universal Studios parks.
Something for everyone
Nakikita
naman ng iba na maaaring maging real-life version ito ng Nintendo Land, isang
Wii U game kung saan tampok ang napakaraming karakter ng Nintendo sa isang
theme park setting.
Dagdag
pa ni Miyamoto, “We are constantly amazed how the park
developers are bringing the essence of our games to life in the real world – an attraction that can be equally enjoyable
to anybody regardless of age. Together, we are building it with an eye for what
guests will actually experience. Since we’re really bringing the world to life,
I think Mario will feel like he finally came home.”
Nangako
ang creative team ng parehas na kumpanya na para ito sa lahat, gamers man o
non-gamers, lalo na’t nakilala naman ang Nintendo sa kanilang video games
bilang “friendly to all ages.”
Bagaman
hindi pa tukoy ang mga partikular na mga karakter na isasabuhay sa theme parks,
sigurado naman na magiging sentro dito ang Super Mario Bros game franchise, na
isa sa pinaka-iconic sa gaming at trademark video game ng Nintendo.
Itinatag
noong 1889 ni Fusajiro Yamauchi ang Nintendo na ang kahulugan sa Ingles ay
“leave luck to heaven” at orihinal na gumagawa ng hanafuda playing cards.
Sinubukan din nito ang iba pang mga negosyo bago naging isang video game
company. At simula nang mailunsad noong 1983 ang Entertainment System console,
tuluyan nang binago ng Nintendo ang mundo ng industriya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento