Linggo, Hulyo 2, 2017

33rd International Philippine Festival matagumpay na naidaos

Nagsipagdalo sa opening ceremony ng festival sina (mula sa kaliwa)
Atty. Hermie Linsangan, Congressman Teodoro Montoro,
Madam Marissa Menez, Deputy Chief of Mission Eduardo Menez,
Mrs. Linda Taki, Mr. Makoto Hirata, Mr. Tsuyoshi Ito, Mr. Yasufumi
Wakayama, Mr. Hidenori Yano, Mr. Hidenori Oshima, at Ms. Ryokka Yamada. 

Inorganisa kamakailan ng Chubu Philippine Friendship Association (CPFA) ang 33rd Philippine Festival sa Nagoya, isang taunang pagdiriwang, na idinaos sa Nagoya International Center kamakailan na mayroong temang “Pagsulong.”

“Pinili ang temang ito para mabigyang atensyon ang mga pagbabago tungo sa pag-unlad ng Pilipinas na kasalukuyang nangyayari. Ang mga pagbabagong ito ay nararamdaman din ng mga Pilipino kahit wala sa Pilipinias kaya ito ang naging tema ng event sa taong ito,” pahayag n CPFA.
Ang kasiyahan ay sinimulan ng isang Misa, na pinangunahan ni Father Riemer, isang pari na matagal nang sinusuportahan ang CPFA at ang Fiesta sa Nagoya.

Nagbigay ng pambungad na mensahe si Mrs. Linda Taki, Chairman ng CPFA, na sinundan ng mga mensahe mula kina Deputy Chief of Mission Eduardo Menez  ng Philippine Embassy sa Tokyo, Mr. Makoto Hirata ng Aichi Prefectural Government, Mr. Tsuyoshi Ito ng Nagoya City at  Mr. Hidenori Yano ng Nagoya International Center.

Nagmula naman kay Mrs. Abigail Capitin-Principe, ang kasalukuyang presidente ng CPFA, ang panghuling mensahe. Nagbigay rin mensahe si Congressman Teodoro Montoro.

Naging highlight ng pagdiriwang ang pinamagatang “iTalks” kung saan nagbahagi ang ilang speakers ng makabuluhang aral na kinabibilangan nina Menez, Tourism Attaché Leona Nepomuceno, Atty. Hermenegildo Linsangan, at Immigration lawyer Jitsuya   Sano.

Inabangan din ng mga nagsipagdalo ang pa-bingo, mga palaro, at raffle. Nagakroon din ng kantahanan sa pangunguna ni Mr. Angelo Naya at ng  Live Band. Buong araw na bukas ang sari-sari stores at booths sa NIC Annex Hall kung saan maraming mga nagsipagdalo ang nakatikim ng lutong Pilipino at nabigyan ng iba’t ibang serbisyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento