Linggo, Hulyo 2, 2017

Cayetano, nag-courtesy call kay PM Abe

Ni Florenda Corpuz

Nagkita sina Prime Minister Shinzo Abe at DFA Secretary Alan Cayetano
sa Tokyo, Japan kamakailan para sa isang courtesy call.
(Kuha mula sa Cabinet Public Relations Office)

Nagkaroon ng courtesy call si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano kay Prime Minister Shinzo Abe sa Prime Minister’s Office kamakailan.

Ayon sa DFA, naging mabunga ang talakayan nina Cayetano at Abe tungkol sa pangkalahatang estado ng relasyon ng Pilipinas at Japan pati na rin ang taos-puso at mainit na pagkakaibigan nina Abe at Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanilang pag-uusap, tiniyak ni Abe ang patuloy na suporta ng Japan sa development priorities at kampanya ng pamahalaan ng Pilipinas laban sa ilegal na droga at terorismo.

Muli naman binigyan ng katikayan ni Cayetano si Abe na kontralado ng pamahalaan ang sitwasyon sa Marawi City.

Sinusuportahan ng Japan ang Mindanao Peace Process (MPP) sa pamamagitan ng iba’t ibang programa.

Samantala, nakipagpulong din ang kalihim sa kanyang Japanese counterpart na si Foreign Minister Fumio Kishida sa isang working dinner na ginanap sa Iikura Guest House.

Nagpahayag ng pasasalamat si Cayetano sa walang tigil na suporta ng Japan para sa ikakaunlad ng Pilipinas kung saan tinukoy niya ang isang trilyong yen na financing package.

Nakipagkita rin si Cayetano sa iba pang opisyal ng pamahalaang Hapon at nagbigay ng press briefing sa Japan National Press Club. Nakipagkita rin siya sa mga miyembro ng Filipino community sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo.

Nagtungo si Cayetano sa Tokyo para sa apat na araw na working visit. Nagbigay siya ng talumpati sa 23rd Nikkei International Conference on the Future of Asia noong Hunyo 6 kung saan niya inilahad ang mensahe ni Duterte na nakatakda sanang dumalo sa forum.

Photo: Nagkita sina Prime Minister Shinzo Abe at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Japan para sa isang courtesy call.





            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento