Martes, Hulyo 11, 2017

Marathoner Mary Joy Tabal rules in Canada, seeks to rejoin national team for SEA Games 2017




Namayagpag si Rio Olympian Mary Joy Tabal sa Scotiabank Ottawa Half-Marathon na ginanap sa Canada kamakailan at itinakda ang record na isang oras, 16 minuto at 27.4 segundo, na mas mabilis sa dati nitong record na iminarka niya sa Japan na nasa isang oras, 18 minuto at 44 segundo.

Tinalo ng nangungunang lady marathoner ng bansa ang Canadian runner na si Britanny Moran sa ikalawang pwesto sa dikit na lampas dalawang minuto lamang pagkatapos umabot ni Tabal sa finish line.

Nitong unang bahagi rin ng taon ay kinilala si Tabal sa 2017 Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards bilang isa sa mga pangunahing PSA awardees dahil sa kanyang kontribusyon sa marathon at pagiging isa sa mga delegado ng 2016 Rio Summer Olympics.

All set for Kuala Lumpur SEA Games

Malaking tagumpay ito para sa Cebuana ace dahil magandang senyales ito ng kanyang magiging performance sa napipintong Southeast Asian Games 2017 na gaganapin ngayong Agosto 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Matatandaan na nagwagi ng silver medal si Tabal sa 2015 Singapore SEA Games, kaya’t mabigat ang inaasahan kay Tabal na sana’y maipagpatuloy niya ang magandang record para tuluyan nang makakopo ng gold sa nalalapit na SEA Games.

All the training outside and the breaking of the national record is part of my plan in preparation for the SEA Games. Gold is really my goal,” ang pahayag ni Tabal sa panayam ng Sports Interactive Network (Spin).

Ongoing controversy with PATAFA

Sa kabila ng tagumpay, may kontrobersya sa pagitan ni Tabal at ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), na parehas din na naging isyu bago ito tumulak sa Rio para sa Olympics nitong nakaraang taon.

Ani ng PATAFA, nagdudulot ang Cebu running ace ng ‘disruption at divisiveness’ sa mga miyembro ng national team at sa sistemang pinapalakad ng PATAFA dahil sa paninindigan nito na magsanay nang mag-isa sa tulong ng kanyang private sponsor at personal coach na si John Philip DueƱas, gayon din ang ‘di pagkakaintindihan ukol sa training at sponsorship agreements sa Motorace Racing.

Magkahalo naman ang reaksyon ng PATAFA ukol sa isyu, na naunang nagpahayag ng pormal na pagputol nito ng kaugnayan kay Tabal, ngunit nito lamang ay nag-anunsyo na papayagan muli si Tabal kung magagawa nitong sumunod sa mga ilang kundisyon.
Bagaman nagulat sa balita, lalo na’t ‘di aniya alam ni Tabal ang mga batas na nilabag nito, ay agad pa rin siyang rumesponde sa tawag ng PATAFA at nagsumite agad ng kanyang written statement na nagpapahayag na susunod at rerespetuhin nito ang mga regulasyon ng organisasyon.

Marathon queen from Cebu

Kauna-unahang Pinay marathoner si Tabal na nag-qualify sa Olympics sa record na 2:43:29. Bagaman hindi nanalo at nagtapos sa 124th sa Rio, malawak ang karanasan ng tubong Cebu sa mga kumpetisyon sa loob at labas ng bansa.
Nariyan ang four-time National Milo Marathon Finals (2013-2016) na unang beses magawa ng isang runner sa Philippine marathon history, kinatawan sa 2016 Boston Marathon kasama si Rafael Poliquit, Jr., at 2016 Athlete of the Year ng Sportswriters Association – Cebu.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento