Si Jesas Wada kasama si Ambassador Jose Laurel V sa isang courtesy call na ginanap sa Embahada ng Pilipinas sa Japan. |
Isang send-off party ang ibinigay
kay Mutya ng Pilipinas-Japan Jesas Wada kamakailan sa Sakura Hall ng
Metropolitan hotel sa Ikebukuro, Tokyo bago ito tumulak sa Pilipinas para
lumaban sa Mutya ng Pilipinas bilang kinatawan ng Filipino community.
Dumalo sa naturang pagtitipon ang
mga naging runner-up sa naturang pageant na kinabibilangan nin Cherry Ann
Ventura, Anju, Hasemi at Miai Tanaka. Dumating din ang ilang opisyal ng Embahada
ng Pilipinas sa Japan sa pangunguna ni Consul General Marian Jocelyn
Tirol-Ignacio, mga opisyal at miyembro ng Dabawenyos’ Organized Society-Japan, ilang
mga tagasuporta, pamilya, kaibigan at sponsors.
Bago pumunta sa Maynila para
lumahok sa pageant na gaganapin sa Agosto 4 sa Newport Performing Arts Theater
sa Resorts World Manila ay nagkaroon muna si Wada ng courtesy call kay Philippine
Ambassador Jose Laurel sa Embahada.
Makakalaban ni Wada ang tinatayang
40 kandidata mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at mga kinatawan ng
Filipino community sa ibang bansa. Naniniwala ang Filipino community sa Japan
na malaki ang tsansa na maiuwe ang korona ni Wada, anak ng Japanese na si
Takaaki Wada at Pinay na si Arlyn Cruz de Guzman. Nagtapos ang 22-taong-gulang
na si Wada ng Tourism Management sa Bulacan State University.
Ang Mutya ng Pilipinas-Japan ay
nagsimula bilang Miss Philippines-Japan Pageant noong 2012 na inilunsad ng Dabwaenyos
Organized Society-Japan (DOSj) para sa mga dalaga na nasa edad 17-25 na malaki
ang potensiyal na maging isang beauty queen at model.
Sa kauna-unahang pagkakataon na
idinaos ito at 10 kandidata mula Tokyo, Chiba,Saitama, Kanagawa at Shizuoka ang
naglaban-laban para sa korona. Pinamunuan ng Nakama Organization sa Shizuoka
ang prefectural competition sa lugar kung saan ang dalawang nanalo ay pumasok
sa grand completion sa Tokyo.
Napanalunan ni Jerimae Capuyan,
17-taong-gulang mula sa Yokosuka U.S Naval Base, ang titulo ngunit kanyang ipinasa
ang korona sa kanyang runner-up na si Princess Ayeza Magsalin dahil sa
kailangan na niyang bumalik sa Estados Unidos para sa kanyang pag-aaral.
Nagwagi naman noong 2013 si Mayu
Murakami habang pinangunahan noon ng
Miss Visayas-Japan (2nd runner-up) Youki Akimoto ang fundraising
para sa mga nasalanta ng mga bagyo at trahedya na dumating sa Visayas at
Mindanao.
Hanggang sa noong 2015 ay iminungkahi
ni Jacqueline Tan, chief executive officer at pangulo ng Mutya ng Pilipinas,
Inc. (MPI), na gawing official partner sa Japan ang organisasyon para sa
paghahanap ng maaaring sumali sa Mutya ng Pilipinas. Ang mananalo ay may
pagkakataon na maging kinatawan ng Filipino community sa Mutya ng Pilipinas na
ginaganap sa Pilipinas.
Nilagdaan ang naturang kasunduan
ni Tan bilang kinatawan ng MPI at Joseph Banal, founder ng DOSj kasama sina Daisy
Jumilla Katsurahara at George Astilla na pangulo at bise pangulo ng
organisasyon. Itinalaga si Banal bilang National
Director for Japan ng MPI.
Napagpasyahan ng DOSj na baguhin
ang pangalan ng Miss Philippines-Japan Pageant sa Mutya ng Pilipinas-Japan.
Ipinadala ng organisasyon si Murakami sa 2016 Mutya ng Pilipinas Grand
Coronation kung saan nakaabot ito hanggang semi-finals.
Inaanyayahan ng organizing
committee ng Mutya ng Pilipinas-Japan ang lahat ng indibidwal at organization
mula sa iba’t ibang prepektura na nais mag-host ng competition sa kanilang mga
lugar. Ang mananalo ay makakasali sa grand competition sa Tokyo na gaganapin sa
2018. Magaganap ang pag-screen sa mga kandidata ngayong darating na Setyembre.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento