Miyerkules, Hulyo 5, 2017

Fil-Brit Vanessa White naglabas ng pangalawang solo EP

Ni Len Armea


Namamayagpag ngayon sa UK music scene ang Filipina-British RnB singer Vanessa White matapos na maging matagumpay ang kanyang debut solo EP na “Chapter One” na naglalaman ng apat na tracks: “Don’t Wanna Be Your Lover,” “Nostalgia,” “Relationship Goals,” at “Lipstick Kisses.”

Kaya naman mabilis na nasundan ito at kamakailan lamang ay inilabas ni Vanessa, na sumikat bilang miyembro ng British-Irish Group na The Saturdays, ang kanyang ikalawang solo EP na pinamagatang “Chapter Two.” Naglalaman ito ng pitong tracks: “Running Wild,” “Good Good,” “Trust Me,” “Pressure,” at ang stripped back version ng Good Good at Running Wild.

Current single ngayon ni Vanessa ang Running Wild na aniya ay bunga ng kanyang mas bukas at mas personal na paraan ng pagsusulat.

“Whilst working on the EP I started to really embrace being more honest and open with what I write about in the studio and ’Running Wild’ is a product of that. It’s about playing out a scenario in your mind that might or might not happen but because it explores using your imagination and tapping into your own desires, you can take it as far as you would like to.  It’s about taking control of what you want and how you feel,” pahayag ng 27-taong-gulang na singer sa panayam sa kanya ng Nylon.

Aminado si Vanessa na marami siyang natutuhan sa nagdaan na taon na makikita sa mga bagong kanta na kanyang ni-record sa tulong ng kanyang mga producers na LongLivThePlug para sa Running Wild, Ads Valu para sa Rotation at Pressure, Chloe Martin para sa Trust Me at Mkulu para sa Good Good.

“I’ve grown so much over the past year, both musically and through life experiences, including this solo journey which at times can be a bit of a rollercoaster.  I can hear and feel that growth in the music and hope people who listen to it can feel it too and are able to take something away from it for themselves,” dagdag pa ni Vanessa na ang ina ay mula sa Davao at nagtatrabaho bilang isang nurse sa UK.

Agad na umakyat sa top spot ng iTunes bestselling pre-order chart at top ten ng general bestselling pre-order chart ang Chapter Two bago ito ilunsad kamakailan na nagpapatunay ng patuloy na paglikha ni Vanessa ng marka sa smusic industry.

At kahit na nasa ibang bansa, makikita ang pagiging proud Pinay ni Vanessa sa kanyang Instagram posts. Ilan sa kanyang mga inilagay na litrato sa naturang social media site ay larawan niya noong siya ay bata pa na sumasali sa isang contest suot ang saya na may disenyo ng watawat ng Pilipinas.

Bumisita na rin siya sa Pilipinas at may larawan na nagbabakasyon siya sa Boracay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento