“To be
honest, I’m relieved. There is nothing scarier than fighting in a bout you are
expected to win, but I was prepared for it,” ang pahayag ni reigning World
Boxing Federation (WBO) super flyweight champ Naoya Inoue pagkatapos niyang
pabagsakin si Mexican-American Ricardo Rodriguez sa pamamagitan ng knockout sa
loob ng isang minuto at walong segundo sa third round na ginanap sa Ariake
Colosseum, Tokyo kamakailan.
Ito na
ang ikalimang pagkakataon na matagumpay na naidepensa at ikaapat na knockout
win ng 24-taong-gulang na boxing champ mula sa Ohashi Gym para sa naturang
titulo. Bunsod nito, naitakda ni Inoue ang kasalukuyang record na 13-0-0 (11 knockouts)
kumpara sa 16-4-0 ng 27-taong-gulang na si Rodriguez.
Umpisa
pa lang ng laban ay ipinakita na agad ni Inoue na ‘di siya magpapadaig kay
Rodriguez at pinatikim na nito ang Mexican ng malalakas na suntok. Mas lalong
dinomina ni Inoue si Rodriguez pagpatak ng second round nang magpakita ito ng
southpaw style at pinatamaan ng malakas na kaliwang suntok si Rodriguez na
tuluyang nagpangatog sa Mexican.
Sunud-sunod
na suntok ang pinaulan ni Inoue sa third round hanggang sa na-knockdown na nang
tuluyan si Rodriguez. Nasundan ito ng isang dominant left hook na nagpayuko
ulit sa Mexican at ‘di na siya muling nakatayo mula rito.
Most awaited US debut
Bagaman
‘di pa sigurado ang lahat sa inaabangang U.S. debut ng Japanese champ, ayon
naman kay Hideyuki Ohashi, Ohashi Promotions head at dating WBA/WBC strawweight
title holder, ang susunod na laban ni Inoue ay gagawin sa U.S. kung saan
dedepensahan niya ang junior bantamweight championship title nito ngunit wala
pang detalye sa ngayon.
Saglit
na bakasyon lang sa Hokkaido ang ginawa ni Inoue at agad ay bumalik na ang
binata sa pag-eensayo sa Yokohama. At ngayon pa lamang ay may mga nakaplano na
si Inoue bagaman isa na siyang two-weight world champion.
“I would
like to win a world champion in my third weight class, bantamweight, and make
some unification bouts,” aniya sa Ring TV.
The power fist of Kanagawa
Si Inoue
ang no. 1 rank best junior bantamweight ng The Ring magazine at Transnational
Boxing Rankings Board at no. 3 naman sa rankings ng BoxRec. Ipinanganak sa
Zama, Kanagawa ang 5’ 4½’ na boxing champ na may 67½’ reach, na ngayon ay
nakatira na sa Yokohama.
Bago pa
maging professional ay maganda na ang naghihintay na kinabukasan niya sa boxing
Nanalo siya sa Japanese Interscholastic Athletic Meeting, Japanese Junior
National Championships, Japanese Junior Selection Tournament, Asian Youth
Championships Iran, at 21st President’s Cup Indonesia.
Nag-debut
ang Kanagawa native noong Oktubre 2, 2012 kontra kay Filipino champ Crison
Omayao at nagwagi sa isang fourth-round knockout. Mula rito, maraming titulo na napagtagumpayan
ni Inoue, maging mga kampeon gaya nina Ngaoprajan Chuwatana, Yūki Sano, Ryoichi
Taguchi, at Omar Andrés Narváez.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento