Ni MJ Gonzales
Mahalaga ang pagkilala sa
personalidad ng tao, hindi lamang sa personal na aspeto, kundi maging usaping trabaho at pagnenegosyo. Hindi
lahat ay masayahin, palabati, at madaling makisalamuha sa ibang tao. Ang iba ay
sadyang tahimik, at mas nakakagawa ng kanilang trabaho kapag mag-isa o iyong mga tinatawag na introvert. Kung sa tingin mo ay may ganito kang
personalidad, pwede ka kaya na magnegosyo?
Kung kilala mo sina Bill
Gates, Warren Buffet, Mark Zuckerberg,
Emma Watson, at JK Rowling ay alam mong ilan lamang sila sa mayayaman at
matagumpay na tao sa kani-kanilang larangan. Subalit maliban sa mga ito ay
pare-pareho rin silang may introvert personality. Ibig sabihin na kung nagawa
nila ay magagawa din ng iba pang introvert na magnegosyo. Ang kailangan lamang
ay tamang istratehiya at pagpili ng negosyo na papasukin.
Katunayan, ilan sa kalakasan ng mga introvert ay
pagiging magaling sa pag-aanalisa, pakikinig o obserbasyon, at paghahanap ng solusyon
sa problema. Marami rin na malikhain o
artist ang may ganitong personalidad.
“We can stretch our
personalities, but only up to a point. Bill Gates is never going to be Bill
Clinton, no matter how he polishes his social skills, and Bill Clinton can
never be Bill Gates, no matter how much time he spends alone with a computer,”
saad ni Susan Cain, isang Amerikanong manunulat, sa kanyang librong “Quiet:
The Power of Introverts in a World That Can’t Stop Talking.”
Samantala, ang sumusunod
ay ilan lamang klase ng larangan o negosyo na bagay sa mga introvert:
Graphic,
web designing o web developing. Karamihan ng mga
introvert ay magaling sa computer at ilan na nga rito ay may kinalaman sa
graphic design, web design, at web developing. Maliban sa ang gawain na ito ay
hindi kailangan ng masyadong interaksyon at maaaring gawin online ay in-demand
pa. Ito ay dahil na rin sa dami ng mga kliyente na gusto na magkaroon ng sarili
at magandang website.
Writing
services. Gaya sa web
designing, marami ngayon ang kumukuha ng writing services para sa kanilang
websites. Siyempre hindi na rin mawawala ang pangangailangan para sa pagsusulat
para sa marketing at advertising campaigns, business proposals, at company
manuals. Dagdag na rin dito ang pagkuha ng writers para sa e-book, ghost
writing, speech, personal blogs, at iba pa.
Consulting/
tutoring business. Marami ang gusto ng one-on-one coaching
lalo na para sa mga abalang tao. Mainam ito para sa mga introvert dahil sa
kanilang natural na katangian na mahusay makinig, makisimpatya, at magbigay ng
sinserong payo. Pasok sa aspetong ito
ang negosyong may kinalaman sa consultation gaya ng mga ginagawa ng mga
financial advisors at private lessons sa anumang asignatura.
Online
selling. Maraming maidudulot ang pagbebenta online. Hindi mo na
kailangan halos na magtayo ng pisikal na tindahan at ang halos lahat ng transaksyon
ay computer na lamang. Dagdag pa rito ay dumadami na rin ang mapagpipilian pagdating
sa delivery courier at pagbabayad ng customers.
Bookkeeping
at accounting services.
Malaki o maliit na kumpanya man ay nangangailangan at nag-a-outsource ng bookkeeper at
accountant. Marami rin kasing entrepreneur na hindi maalam pagdating sa
bagay na ito at nahihirapan na pamahalaan pa ang bahaging ito sa
pagnenegosyo. Samantala, maaaring skills
at experience lang ang kailangan sa bookkeeping. Subalit pagdating sa accounting ay kailangang
lisensyado bago ito gawin.
Photography,
videography, painting at iba pa. Mahilig sa party at events ang mga Pinoy at
hindi mawawala sa mga ito ang pagkuha ng litrato, at video. Sa
ngayon ay uso na rin ang photobooth na pwedeng dagdag na negosyo. Bukod sa dalawang ito ay hindi rin
mawawala ang iba pang negosyo na may kinalaman sa sining na katulad ng painting, sculpting, desktop publishing, at
iba pa.
Sources:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento