“I didn’t
see any apps for the elderly, so I decided to create my own. We
easily lose games when playing against young people, since our finger movements
can’t match their speed. I wanted to create a fun app to get elderly people
interested in smartphones. It took about half a year to develop. Technology has now become my new hobby,” ang masayang
pahayag ng 82-taong-gulang na retired banker na si Masako Wakamiya, na ngayon
ay isa nang app developer sa panayam ng CNN Money at Fortune sa kanya.
Shattering stereotypes in technology
Madalas natin
naririnig ang mga batang advanced ang kaalaman sa teknolohiya, pero pagdating
sa mga nakatatandang henerasyon ay ‘di gaano, kaya’t tunay na kahanga-hanga ang
mga katulad ni Wakamiya. Patunay ito na ang abilidad na matuto ay walang
pinipiling edad kundi nasa dedikasyon,
interes at pagpupursige.
Sa
pagsisimula ng Apple Worldwide Developers Conference ngayong buwan, sentro muli
ng atensyon ang “technology evangelist” na si Wakamiya, bilang oldest attendee
sa conference.
The best part of life is after 60
Unang
nakilala ng publiko si Wakamiya, noo’y 79 nang maging tagapagsalita siya sa
TEDxTokyo 2014 kung saan niya ibinahagi kung paano siya nagsimulang matutong
gumamit ng computer at internet.
“One day, I picked up a
magazine and it said, ‘If you have a computer, without stepping outside your
house you can chat with people.’ And I thought, ‘Wow, this is it!’ And I immediately
– although it was expensive back then – did some impulsive shopping and bought
my computer. This one simple shopping changed the second part of my life.”
Aminadong hindi
“tech-savvy,” isang “struggle” ang mga sumunod na araw para sa noo’y 60-taong-gulang
lalo na’t ‘di pa user-friendly ang mga computers noon. Subalit, sa kagustuhang maalagaan ang ina
habang nagkakaroon pa rin ng komunikasyon sa iba, binuno niya ang tatlong buwan
para i-set-up ang computer at makapag-online nang walang tulong ng iba.
Mula rito, sumali siya sa
isang “silver club” (online club for over 60s) at natuwa siya sa welcome
message ng naturang website – “The best part of life is after 60.”
A
wonderful silver life
Dito siya nakakilala ng
mga bagong kaibigan at natuto ng maraming bagay gaya ng video editing. Aniya,
masaya siyang makipag-usap sa mga ka-edaran niya tungkol sa mga malalalim na
paksa.
Inspirado ng stitching
hobby ng mga senior citizens at traditional Japanese patterns, nakagawa siya ng
Excel art na ginagamit sa computer school classes at maging sa NASA. Bumuo rin
siya ng sarili niyang PC textbooks dahil napansin niyang ang mga computer study
books ay masyadong boring.
Natuto siya ng Apple
Swift programming language sa tulong ng isang kabataan sa pamamagitan ng Skype
at Messenger. Kaya’t sa edad na 81 ay nailunsad na niya ang kanyang unang iOS
game app, ang Hinadan na base sa traditional Hinamatsuri festival. Ngayon,
regular siyang nagbibigay ng computer classes at blogs, at marami na siyang
naiisip na ideya para sa apps.
“I have a request for the
young folks out there. After you leave, please tell my story to your parents
and grandparents,” ang huling mensahe ni Wakamiya sa mga tagapakinig sa
TEDxTokyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento