Miyerkules, Hulyo 5, 2017

Negosyo 101: Halaga ng paghihiwalay at “compounding” ng pera

ni MJ Gonzales


Pagdating sa diskarte at sipag ay hindi matatawaran ang galing ng mga Pilipino. Kaya naman hindi kataka-taka ang patuloy na pagdami  ng mga nangangarap at nagbabakasali na maging negosyante.  Subalit, ano kaya ang sikreto ng mga matatagumpay na sa larangan na ito? May ilan din kasi na nagsimula lamang sa maliit at mababang capital pero nagawang lumago at yumaman.

Walang personalan, nagnenegosyo lang

Siyempre iba ang pakiramdam na nakatutulong ka sa iyong kapwa at matugunan ang iyong pangangailangan. Pero alam mo ba na pagdating sa pagnenegosyo ay ilan ito sa mga bagay na dapat mong hinaharap?  Dapat kasi ay alam na alam mong paghiwalayin ang iyong pera na pang-personal at pangkabuhayan.  Bakit?

Karaniwan na ang perang personal ay para sa mga gastos (expenses) na inaasahan na walang babalik na kita at mababa ang halaga (devaluation). Hindi ganito sa pagnenegosyo dahil dapat ang iyong expenses ay aasahan mong pagkakitaan (revenue) at magiging bahagi ng kayamanan o ari-arian (asset) mo.  

Halimbawa na namuhunan (invest) ka ng halagang Php 50, 0000 ng mga paninda para sa iyong grocery business.  Bagaman masasabing naglabas ka ng pera rito bilang expenses, magiging inventory asset o bahagi ng iyong ari-arian ang mga ito dahil  ibebenta mo at pagkakakitaan mo ang mga ito. Paano naman kung sa benta (sales) ng iyong grocery business ka kumukuha ng pambili ng pangkain araw-araw? O kaya kumukuha ka sa iyong paninda para magamit sa iyong bahay tulad ng ginagawa ng iba?

Ang benta ay hindi ibig sabihin kita agad lalo na kung nagsisimula ka pa lamang.  Tandaan din na minsan  ay napakaliit lamang ng ipinapatong na halaga ng tubo (interest) kada isang produkto o serbisyo.  Kaya ang sales ay maaaring pambawi pa lamang sa iyong expenses.
Kung kinukuhanan mo ng pera o produkto ang iyong store nang hindi mo binabayaran, tinatanggal mo na ang halaga nito bilang kumikitang kabuhayan.  Binawasan mo na ang halaga ng iyong investment na Php 50, 000 at  hindi malayo ang profit loss at bad debt.  Sa ibang banda, ang pagbili ng iba pang gamit, bagaman hindi maibebenta, pero gagamitin sa negosyo ay “fixed asset” pa rin na matatawag.

Ano naman ang mangyayari  kapag ang kita ay hindi mo ginagalaw at patuloy na pinapaikot sa iyong negosyo?

Compounding: Pag-ikot ng kita para lumago

Totoo na may lumalaki o lumalagong negosyo mula sa pagiging maliliit ngunit napakabihira na nagagawa ito nang madali at walang tamang diskarte. Kung kailangan na sipag at tiyaga, mainam din na gamitan ito ng ideya ng “compounding.”

Kung i-invest mo pa ulit sa iyong business ang iyong kinikita, sa halip na gastusin agad, ang ginagawa mo na iyon ay tinatawag na compounding.  Ibig sabihin din nito ay lumalaki na rin ang initial capital na inilalagay mo sa iyong negosyo. Kaya naman ang tinatawag na “compound interest” ay interest sa interest o kita sa kita. 

Hindi mo ito mapapansin sa mga unang buwan pa lamang ng pagnenegosyo pero kung patuloy mo na gagawin ay mapapansin mo rin. Para rin itong “snowball” na maliit mo man na ipinagulong ay palaki ng palaki habang tumatagal sa daan na may snow.   Katunayan, ang compounding ay ginagamit lang sa iba’t ibang klase ng investment at ng mga kilalang bilyonaryong investors gaya ni Warren Buffet.   

“Albert Einstein when asked what he considered to be the most powerful force in the universe answered: Compound interest! What you have become is the price you paid to get what you used to want,” pagbabahagi ng American Writer Mignon McLaughlin sa kanyang pakikipag-usap noon sa sikat na scientist.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento