Inaprubahan na ng Diet ang legal na
pagpapaupa ng mga Airbnb hosts sa Japan ng kanilang mga bahay at kwarto sa mga
turista.
Papayagan sila na gawin ito
pagkatapos abisuhan ang munisipyo kung saan maaari nilang paupahan ang kanilang
mga propyedad hanggang sa 180 araw sa loob ng isang taon. Ito ay inaasahan na
ipapatupad sa 2018.
Nitong nakaraang Marso ay
inaprubahan ni Prime Minister Shinzo Abe ang mga alituntunin ng bagong batas.
Magtatakda ng ordinansa ang
pamahalaan para masiguro ang kaligtasan ng mga uupa rito at maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan sa ibang residente. Ilan sa mga ito ang fire-safety facility
standards, pagkumpirma ng pagkakakilanlan ng mga turistang uupa, at mga hakbang
para mabawasan ang ingay at maiwasan ang pagrereklamo ang mga kapitbahay.
Maaaring suspindihin ang business
to operate at makulong ng hanggang anim na buwan at pagmultahin hanggang isang
milyong yen ang mga Airbnb hosts na hindi susunod o lalabag dito.
Operational na ang Airbnb sa ilang
lugar sa bansa na itinuturing na designated areas tulad ng Ota Ward sa Tokyo at
ilang lugar sa Osaka.
Ayon sa Japan National Tourism
Organization, mahigit sa 24 milyong turista ang bumisita sa Japan noong 2016
kung saan 3.7 milyon ang nanatili sa mga Airbnb vacation rentals.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento