“I was
so impressed to see stars I can’t usually see. I felt so close to the stars
that I thought I’d left the Earth.”
Ito
ang pahayag ni Asami Jinguji, 27 ng Sagamihara, Kanagawa Prefecture nang
maranasan niya ang stargazing tour sa Heavens Sonohara Ski Resort sa nayon ng
Achi, Nagano Prefecture. Nagsimula nitong Abril 15 at tatakbo hanggang Oktubre
ang Sky Park Night Tour ngayong 2017 opening season.
Magsisimula
naman sa Disyembre 3 ang Winter Night
Tour.
Taong
2011 nang magtala ang Achi ng nakaka-alarmang 20 porsyentong pagbaba ng mga
turistang pumupunta sa Hirugami Hot Springs Resort, na pangunahing
accommodation sa Achi at karaniwang nagtatala ng 480,000 guests mula noong
2005. At dito nagsimulang magpulung-pulong ang mga establisyimento sa turismo
para mag-isip ng bagong maitatampok sa kanilang lugar.
Opisyal
na inilunsad ang naturang night tour noong Agosto 2012. Bago ang opisyal na
pagbubukas ng tour ay itinatag ang Star Village Achi Tourism Promotion Group sa
pangunguna nina Hitoshi Matsushita, 39, section chief sa isang hot spring inn at
council secretary-general at Yuji Shirasawa, 52, president ng isang ski resort
operating company.
Best place in the nation to view the stars
“The night sky from the
ski resort is beautiful,” ang bulong ni Shirasawa minsan sa gitna ng kanilang
pagpupulong. Nang marinig ito ng council members, naisip din nila ang 2006
survey mula mismo sa Environment Ministry, na nagpapatunay ng hindi napapansing
kayamanan ng Achi – ang napakaningning na night sky nito. Ang impormasyon na
ito ang lalong nagtulak sa mga council members para magsaliksik at tuluyang
i-develop ang naturang ideya.
“I
remembered the views but not the detailed explanations of the stars,” ang
pahayag naman ni Matsushita sa panayam ng Japan Times. Bunsod nito,
pinangunahan niya ang pananaliksik sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa iba pang
stargazing tours, gayon din sa mga planetariums sa buong Japan para mabalangkas
niya ang “stargazing entertainment” bilang disenyo ng night tour.
“If
Achi becomes known across Japan for its night sky, the number of visitors to
the village will increase and lead to revitalization. I hope the tour triggers an interest
in stars and visitors will come to the village again,” ang
pagpapatuloy ni Matsushita patungkol sa pangunahing layunin ng star tour.
Journey
into space
Higit pa sa inaasahan ng
mga taga-Achi ang naging resulta ng bagong proyekto, at sa unang fiscal year
mula nang mailunsad ito ay nakapagtakda sila ng 6,500 na bisita – higit pa sa
5,000 na original target. Sa ikalawang taon nito, sa tulong ng isang travel
agency na bumuo ng “star tour” travel package at promosyon sa internet, mas
lalo pang naging matagumpay ang taong ito at mga sumunod sa pagmamarka ng Achi
ng tinatayang 20,000 hanggang 60,000 na
mga bisita bawat taon.
Nitong nagdaan taon lamang,
simula Abril hanggang Oktubre ay pumalo naman sa tinatayang 110,000 na mga
bisita ang dumayo sa Achi para maranasan ang star night tour. At sa paglulunsad
ng winter tour (Disyembre – Marso) ng parehas na taon, nagtala ito ng 30,000 na
mga bisita para lang masaksihan ang mga kumikinang-kinang na mga bituin sa
langit ng Achi.
Bunsod nito, naging abala
rin ang iba’t ibang bahagi ng turismo sa lugar – sa pagdumog ng mga bisita sa
Hirugami Hot Springs Resort na malapit sa night tour venue hanggang sa mga
wholesalers at souvenir shops. Ipinakilala na rin sa lugar ang “star coin”
noong 2013, na magagamit ng mga turista na pambayad sa mga restaurants at
villages.
Bahagi rin ng tour ang
Star Village Café (by Naked, Inc. and Panasonic) na magbubukas ngayong Hulyo
11, Megastar Class (planetarium by Takayuki
Ohira), at Night Wars (reality puzzle game).
Ani Shirasawa, layunin
nila na magkaroon ng mas maraming residente sa lugar lalo na’t 6,600 lamang (at
risk of depopulation per 2014 private research) ang populasyon ng Achi, isang
farming mountain village na pangunahing industriya ang turismo – hot springs,
highlands, shrines, temples, peach blossoms, at Achi River.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento