Sample ng magiging OFW ID |
Inilunsad na ng Department of
Labor and Employment (DOLE) kamakailan ang Overseas Filipino Workers (OFWs) ID
na nakatakdang iisyu ng tanggapan ngayong darating na buwan ng Agosto.
Magpapalabas ang DOLE ng patakaran kung paano makukuha ng mga OFWs mula sa
iba’t ibang panig ng mundo ang kanilang ID bago ito ilabas.
Ang OFW ID o Integrated DOLE ID
(iDOLE ID) ang papalit sa Overseas Employment Certificate (OEC) na isang
requirement sa mga OFWs bago makalabas ng bansa patungo sa bansang
pagtatrabahuhan.
Sasailalim muna ito sa tatlong
buwang trial at pagkaraan ay ito na ang magiging automated OEC ng OFW. Bukod
dito, maaari rin itong magsilbing airport at immigration ID pass at Social
Security System (SSS), Pag-ibig Fund, at PhilHealth membership IDs.
Lalagyan ang ID ng QR code bilang
security feature sa mga impormasyong ibibigay ng mga OFWs.
Sinabi ni DOLE Secretary
Silvestre Bello III na libre ang OFW ID na sinasabing “pinakamagandang regalo”
ng administrasyong Duterte sa mga tinatawag na bagong bayani ng bansa.
“Huwag kayong maniwala (na may
bayad ang ID). Maliwanag na ang ibibigay na ID sa OFWs ay walang bayad. Libre
po iyan at walang gagastusin ang ating OFW. Kung may nagsasabi man, nambobola iyan
o kaya gustong kumotong,” pahayag ni Bello sa isang panayam.
Ani Bello, ipapasagot ng
tanggapan ang bayad sa OFW IDs sa mga employers at recruiting agencies.
“Depende na iyan sa pag-uusap
ng technical people, maaaring employer, maaaring recruitment agency. Basta importante
na walang babayaran ang OFWs,” dagdag pa ng kalihim.
Iginiit din in Bello na bawal
ikaltas ang bayad sa naturang ID sa mga OFW dahil maaaring pagmultahin ang
employer o recruitment agency kapag nangyari iyon.
“Bawal iyan. May penalty iyan
or baka makansela license nila ‘pag ginawa nila iyan dahil maliwanag libre ang
OFW ID.”
Portal site
Nagulat ang ilang OFWs na agad
na sumubok sa pagkuha ng kanilang OFW ID sa pamamagitan ng pagpunta sa portal
site na inilabas ng DOLE, https://ofw.idole.ph//, dahil sa hinihingan sila ng Php501
na bayad para sa ID at karagdagang Php200 para sa delivery ng ID.
Hindi naitago ang pagkadismaya
ng mga ito lalo na’t sinabi ng DOLE na walang babayaran sa pagkuha nito.
“At the onset, we already had
doubts that this ID is totally free. After I encoded my personal and employment
details, I was asked to pay 501 pesos and another 200 pesos to have it
delivered at my hometown,” pahayag ng OFW na si Nhel Morona sa pahayagan
Khaleej Times sa Middle East.
Duda rin ang OFW na si Jun Cargullo,
na nagtatrabaho sa Dubai, na sasagutin ng kanilang mga amo ang bayad sa
naturang ID.
“The (Philippine) government
earlier announced that employers or recruitment agencies will shoulder the cost
of the ID. But this ID is only relevant to domestic transactions and has
nothing to do with our employment abroad. This is not like the Emirates ID or
UAE health card.
“At the end of the day, it is us,
OFWs, who will have to pay for the card. The OFW ID is actually more expensive
than the OEC. We used to pay only 100 pesos to acquire an OEC every time we
travel and we go back home at least once every year. So it will take at least
five travels or five years before we can recoup the same expense of getting an
OEC five times,” paliwanag ni Cargullo.
As of press time, wala pa rin
access sa portal site ng DOLE at mayroon lamang nakapaskil na mensahe: “This
website is for testing purposes only. To our beloved OFWs, please wait for the
official launching, rest assured that the OFW card is 100 per cent free of
charge to the OFW.”
Pagdudulot ng kalituhan
Nanawagan ang Migrante
International, alyansa ng mga OFW, na dapat liwanagin ng gobyerno kung libre o
hindi ang OFW ID at maglabas ng patakaran na malinaw sa lahat upang hindi
magdulot ng kalituhan.
Kinuwestiyon din ng Migrante kung
ito ba talaga ang pinakamagandang regalo sa mga OFWs gayong sa bandang huli ay
mukhang ito pa rin ang magbabayad sa kanilang ID.
“How could it be the ‘best gift’
when even the DOLE is clueless on its relevance? There is as yet no
implementing guidelines on how it is supposed to function,” pahayag ni Migrante
International spokesperson Arman Hernando.
“Employers are expected to pay
for the iDOLE but since when has this stopped them from passing on the burden
to recruitment agencies and, consequently, to OFWs?
“Unfortunately, it has been
exposed as yet another money-making scheme as quickly as it was hastily
launched by the government.
“Thanks, but no thanks, President
Duterte. Hindi po ito regalo kundi dagdag-perwisyo para sa mga OFW,” ani
Hernando.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento