Ni Jovelyn Javier
Hunyo ang pinakapopular na buwan para magpakasal
dahil buwan ito ng ancient Roman goddess na si Juno, na tagapangalaga ng mga
kababaihan sa iba’t ibang aspeto ng buhay, partikular na sa pag-aasawa at
panganganak. Mula rito, nabuo ang ideya na pinakamaswerte ang magpakasal sa
tinaguriang ‘wedding month.’
The adventure of a
destination wedding
Popular na konsepto ngayon sa kasal ang tinatawag na ‘destination
wedding,’ na naiiba sa mas tradisyonal at nakasanayan. Dito, mas creative at
interesante dahil madalas kailangan din bumiyahe nang may kalayuan ang mga
bisita para maging bahagi ng matrimonya at pagdiriwang ng dalawang taong
nagmamahalan na sa wakas ay magiging mag-asawa na.
Kamakailan, isang kasalan ang ginanap na ‘di ginawa
sa beach, sa garden o sa siyudad kundi sa isa sa pinakamakasaysayang lugar sa Pilipinas
na UNESCO World Heritage Site rin, ang Paoay Church na kanilang napiling
simbahan at isa sa mga modernong hotel na kalapit ang ilang tourist spots sa
rehiyon, ang Plaza del Norte Hotel and Convention Center na reception ng kasal.
A historically nostalgic yet
romantically modern setting and style
Para sa ngayon ay Mr. and Mrs. Ryan and Ivy Villan na,
napili nila ang Paoay Church dahil espesyal ito sa kanila. Ayon sa bride, ang makasaysayang
simbahan, San Agustin Church, ang unang simbahan na pinuntahan nila na
magkasama nang unang beses bumisita ang groom sa Ilocos.
“Maganda rin kasi ‘yung vintage effect ng church at
naisip namin that the guests will also enjoy the place kasi isa siya sa mga
tourist destinations ng Ilocos Norte,” dagdag pa sa espesyal na dahilan ng
mag-asawa.
Sa tema at kulay, makahulugan din ito para kay Ryan
at Ivy. Sa panayam sa bride, “Our theme is cherry blossom and color motiff is
dark salmon pink. We wanted happy colors – something pleasant and cool tingnan
that’s why we have chosen dark salmon pink at kaya naman cherry blossoms
because one of our dream vacations is to go to Japan to see the cherry
blossoms, so we came up with the idea to make it as our theme.”
Wedding essentials: Simple
but elegant
Malaking inspirasyon sa wedding gown ng bride ang
Francis Libiran gown ng aktres na si Kaye Abad. Aniya, “Nang ipinakita ni Mama
‘yung wedding gown nagustuhan ko siya agad. Eto na ‘yun so I decided na ipagaya
with some modifications para ‘di exactly the same. Nagustuhan ko kasi ‘yung
embroidery details saka gusto ko ng mahabang trail para maganda sa picture.”
Parehas na mga Ilokano ang gumawa ng gown at
organizer ng kasal.
Para sa groom, ang all-black tuxedo ay nabili ng
mag-asawa sa United Arab Emirates (UAE) kung saan sila parehong nagtatrabaho.
“He wanted it all black. Basta nang pagkakita niya sa tuxedo nagustuhan na niya
agad. Parang love at first sight,” ang dagdag pa ng bride.
Sa bulaklak naman, ‘di gaanong partikular ang bride
ngunit gusto niya ang arrangement to be “cascading with regards for my bouquet
at a combination of roses, tulips, and cherry blossoms. At sa ceremony naman,
nag-send na lang ako ng picture sa organizer ng gusto kong arrangement. We
wanted it to be simple and elegant-looking.”
Cagayan meets Iloilo in Abu
Dhabi
Nagkakilala ang nurse na si Ivy, na taga-Santa
Praxedes, Cagayan at aircraft maintenance specialist na si Ryan, na taga-Passi
City, Iloilo sa Abu Dhabi sa introduksyon ng isang common friend sa Abu Dhabi,
UAE kung saan sila parehas na nagtatrabaho.
Dalawang taon ang bride and groom bilang
magkasintahan bago na-engage noong Mayo 8, 2016 at bago ikinasal nitong Hunyo
10.
“We wanted the wedding to be a commemoration of our love and lifetime
partnership. ‘Yung masarap balik-balikan even when we grow old. And of course,
ang importante sa lahat eh mag- enjoy ‘yung mga relatives and guests who are
there to celebrate with us. Overall, we wanted a happy, sweet and solemn
wedding to be enjoyed not only by the couple but everyone,” ang pahayag ng
mag-asawa na gusto nilang maging lasting image ng kanilang kasal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento