Ni
Florenda Corpuz
Tom Cruise, Doug Liman, at Erwin Stoff Kuha ni Din Eugenio) |
TOKYO, Japan – Binisita ng
Hollywood superstar na si Tom Cruise ang tatlong siyudad sa bansa sa loob ng
isang araw para sa promosyon ng kanyang pinakabagong sci-fi film na “Edge of
Tomorrow” at inilabas dito bilang “All You Need Is Kill” na base sa nobela ni Hiroshi
Sakurazaka.
Dumating sa Kansai Airport si
Cruise Hunyo 25 ng gabi kung saan daan-daang fans ang naghintay sa kanyang
pagdating. Kinabukasan, sinimulan ng 51-taong gulang na aktor ang promotional
event ng kanyang pelikula sa Dotonbori Riverside, Osaka 9:30 ng umaga. Pagsapit
ng 1:30 ng hapon, tumuloy siya sa Hakata City, Fukuoka para sa isang fan event.
Isang red carpet event naman ang naghintay sa kanya sa Roppongi Hills Arena, Tokyo
kung saan ginanap ang premiere ng kanyang pelikula 7:25 ng gabi.
“Konnichiwa! I love you. I love
Japan. I love Tokyo. I’m so happy to be here. Thank you so much for this warm
welcome. I’m overwhelmed and humbled. I truly appreciate it,” nakangiting bati
ng aktor paglabas sa entablado.
“This is a very special film
because the novel originated here in Japan. It’s a very unique love story, very
unique characters, wonderful humor. I can’t wait for you to see it. I’m very proud
of it,” dagdag nito.
Kasamang nag-promote ni Cruise
ang direktor ng pelikula na si Doug Liman at producer na si Erwin Stoff.
“Konnichiwa! Thank you for giving
us this wonderful book to make into a movie and thank you for welcoming us back
to show you the movie. We made it for you,” pagbati ni Stoff.
“I love Japan and I love Tokyo.
It’s my favorite city. I can’t thank you enough for making me feel like I’m
home,” pahayag naman ng magaling na direktor na si Liman.
“Do you love Tom Cruise? Because
I love Tom Cruise. And after you see the film, you will love him even more,”
sabi pa ng direktor na nagpatili sa mga fans.
Hindi naman matawaran ang
pasasalamat ni Cruise sa mga fans na patuloy at walang sawang sumusuporta sa
kanya sa tuwing siya ay bumibisita sa bansa, “This is so special and such an
exciting moment for all of us. Thank you so much for this welcome. I can’t tell
you how much it means to me. Arigato.”
Nabigla din ang aktor nang handugan
siya ng isang surprise birthday song ng mga fans. “That is the best birthday
present I’ve ever gotten. Thank you,” madamdaming pahayag ng aktor.
Matapos ang stage appearance, masayang
pumirma ng autograph at nagpakuha ng litrato ang aktor kasama ang mga excited fans.
Matapos nito’y isang photo call ang naganap.
Samantala, dumalo rin sa premiere
ang may-akda ng nobela na si Sakurazaka. Unang sumikat ang kanyang libro nang
una itong lumabas noong 2004 at kalaunan ay naging manga adaptation sa isang
weekly magazine.
Ang ‘loop around Japan’ publicity
campaign ni Cruise kung saan siya ay naglakbay ng 1,770 kilometro mula Osaka
patungong Fukuoka at papuntang Tokyo ay may layong gayahin ang time loop na naranasan
ng kanyang karakter sa pelikula na si William Cage na napasabak sa isang labanan
kontra sa mga aliens para isalba ang mundo.
Dumalo rin si Cruise sa isang
press conference noong Hunyo 27. Ipinalabas sa bansa ang pelikula noong Hulyo
4.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento