Ni
Florenda Corpuz
Dr. Ambeth R. Ocampo kasama si Japanese Prime Minister Shinzo Abe (Kuha mula sa Facebook page ni Dr. Ambeth Ocampo) |
Pormal na ang appointment ng
kilalang mananalaysay ng kasaysayan, mamamahayag at manunulat na si Dr. Ambeth
R. Ocampo sa Advisory Committee ng Japan Foundation Asia Center.
Sa kanyang Facebook post ay
ibinalita ni Ocampo na tinanggap niya ang appointment.
“Accepted an appointment to the
Advisory Board of the Japan Foundation Asia Center. After our recent meeting in
Tokyo the ASEAN members paid a courtesy call on the Prime Minister of Japan.”
Isa si Ocampo sa 15 miyembro ng kumite
na nagsagawa ng courtesy call kay Prime Minister Shinzo Abe sa Prime Minister’s
Office noong Marso 31.
Mainit na tinanggap ng lider ng
Japan sina Ocampo na nagpahayag ng pagkalugod para sa kanilang ambag sa
promosyon ng kultura at pagkakasundo sa rehiyon.
“I would like to extend a warm
welcome to the Prime Minister’s Office to all the ‘WA Project: Towards
Interactive Asia through “Fusion and Harmony’ Advisory Board members.”
“The WA Project deepens the
spiritual bonds between Japan and the other ASEAN nations, and I am delighted
to welcome all of you who play such an important role as advisors to the
project,” pahayag ni Abe.
Ang WA Project ay sinimulan base sa
anunsyo ni Abe sa ASEAN-Japan Commemorative Summit Meeting noong Disyembre 2013
bilang bagong Asian cultural exchange policy na magpapatupad sa mga cultural exchanges
sa pagitan ng mga bansa sa Asya, pangunahin ang mga kasaping bansa sa ASEAN.
Ang Japan Foundation Asia Center ay
binubuo ng 21 cultural figures at experts mula sa Japan at kasaping bansa sa ASEAN
kung saan si Ocampo ang kinatawan ng Pilipinas. Itinatag ito upang itaguyod at
palakasin ang bilateral cultural exchange sa pagitan ng Japan at mga bansa sa
Asya.
Pag-aaralan ng board ang mga
ipinapatupad na programa ng Asia Center bago magsagawa ng rekomendasyon sa
pangulo nito. Napag-usapan sa una nilang pulong ang progreso ng mga proyekto sa
loob ng mga nakalipas na taon at mga plano sa hinaharap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento