Ni
Florenda Corpuz
Ngayong 2015 ang tinaguriang debut
year ng proyekto kung saan nakalinya ang iba’t ibang JDP events na gaganapin sa
mga film festivals, conventions at content markets sa Cannes, Paris, Taipei at
Tokyo.
At bilang inisyal na handog ng JDP,
nakibahagi ito sa Cannes Film Festival noong nakaraang buwan kung saan pitong
pelikulang Hapon ang ipinalabas: Ang “Our Little Sister” ni Hirokazu Kore-eda
(Competition), “AN” ni Naomi Kawase (Un Certain Regard’s Opening Film), “Journey
to the Shore” ni Kiyoshi Kurosawa (Un Certain Regard) at “Yakuza Apocalypse:
The Great War of the Underworld” (Director’s Fortnight) ni Takashi Miike. Sa
Classics program naman ay ipinalabas ang “The Story of the Last Chrysanthemums”
ni Mizoguchi Kenji, “Battles Without Honor and Humanity” ni Fukasaku Kinji at “Ran”
ni Akira Kurosawa.
Bumida naman ang sikat na Japanese
actor na si Ken Watanabe sa “Sea of Trees” ni Hollywood director Gus Van Sant
(Competition) habang si Satoshi Tsumabuki naman ay lumabas sa “The Assassin” ng
Taiwanese na si Hou Hsiao-Hsien. Dumalo rin ang sikat na aktres na si Kirin
Kiki na bahagi ng mga pelikulang “Our Little Sister” at “AN.”
“I’m truly grateful that this effort is being
made on behalf of Japanese actors in Cannes,” pahayag ni Kirin.
“I hope many people will take advantage of
this amazing opportunity,” dagdag pa nito.
Sa Japan Pavilion ng Cannes
International Village ay matatagpuan ang koleksyon ng mga bagong manga, anime
at nobela. Nagkaroon din ng mga serye ng seminar na tinawag na “New Gateways to
the Japanese Industry” kung saan tinalakay ang mga istratehiya sa pagkakaroon
ng rights at co-produce. Ito ay pinangunahan ng mga kilalang personalidad mula
sa Japanese at international movie industry. Nagkaroon din ng pagkakataon ang
mga buyers na masilayan ang mga pinakabagong pelikulang Hapon.
Nagtapos ang JDP sa Cannes sa
pamamagitan ng “Kanpai Night” na pinangunahan ni Kundo Koyama, ang lumikha ng sikat
na TV series na “Iron Chef.”
“Through this project, I would like to convey
to the rest of the world that Japan is a treasure chest of culture and
entertainment content,” pahayag ni Koyama.
Itinuturing ito na pinakamalaking
partisipasyon ng Japan sa prestihiyosong festival sa nakalipas na dekada.
May temang “Connecting People,
Driving Culture,” ang JDP ay suportado ng Ministry of Economy, Trade and
Industry (METI) of Japan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento