Martes, Hulyo 14, 2015

Bidding para sa dagdag na sports event sa Tokyo 2020, binuksan

Ni Florenda Corpuz

Tokyo, Japan – Pormal nang binuksan ng Tokyo 2020 Organising Committee ang application process para sa karagdagang sports events sa darating na 2020 Tokyo Olympics, ito ay kasunod nang pag-apruba ng International Olympic Committee (IOC) sa Olympic Agenda 2020 noong Disyembre.

Tutukuyin ng Tokyo 2020 Additional Event Programme Panel ang isa o dalawang karagdagang sports event na imumungkahi ng Tokyo 2020 sa IOC batay sa ilang mahahalagang alituntunin.

“The additional event(s) will serve as a driving force to promote the Olympic Movement and its values, with a focus on youth appeal,” pahayag ng kumite.

“The additional event(s) will add value to the Games by engaging the Japanese population and new audiences worldwide, reflecting the Tokyo 2020 Games vision,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng kumite na magiging bukas at patas ang selection procedure.

Naglunsad ang Tokyo 2020 Organising Committee ng two-stage procedure kung saan ang una ay inimbitahan ang mga IOC Recognised International Federations (IF) na magpasa ng aplikasyon.

“Phase I will involve response forms, which will include a brief set of questions, being sent to all IOC Recognised International Federations (IF) that control sports currently not on the Tokyo 2020 Olympic Games programme and that are not exclusively practiced on snow or ice.”

Pag-aaralan ng Additional Event Programme Panel ang mga aplikasyon kung saan ang mga mapipili ay dadaan sa Phase II na magsisimula sa Hunyo 22.

“The Additional Event Programme Panel will examine each application to ensure that it complies fully with Tokyo 2020’s key principles.”

Magsasagawa ng presentasyon ang mga finalists sa Tokyo sa darating na Agosto habang magbibigay naman ng rekomendasyon ang kumite sa IOC sa Setyembre 30. Maglalabas ng pinal na desisyon ang IOC sa Agosto 2016 sa Rio de Janeiro.

Ilan sa mga paboritong laro na kinukunsidera ay ang baseball, softball at karate.

Samantala, isinabatas naman ng Diet kamakailan ang bill kung saan isang sports agency sa ilalim ng pamamahala ng Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology ang ilulunsad upang mangasiwa sa sports administration bago ang 2020 Tokyo Olympics. Inaasahan na mas palalakasin nito ang performance ng mga atletang Hapon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento