Linggo, Hulyo 12, 2015

Pa-simple lang tayo tuwing uuwi ng Pilipinas

 Ni Elvie Okabe, DBA/MAE

“Ang Pinoy ‘pag umuwi ng ‘Pinas galing sa ibang bansa ay buong pamilya, kaibigan o barangay ay sasalubungin siya. Ito naman kababayan nating ito ay bigay dito bigay doon ng pera at pasalubong. Tapos wala pang isang buwan sa ‘Pinas na nagbabakasyon ay broke na siya at umuutang na siya. Ganyan ang Pinoy.

“Kaya paalala lang huwag kayong uuwi na ipamigay lang ninyo ang pinaghirapan ninyo kasi bandang huli pag wala na kayong pera lahat ng sumalubong sa inyo ay tatalikuran kayo. Gaya ng mga nakilala ko rito na galing sa ibang bansa. Kawawa naman sila noong wala na silang datung ayon kinakawawa sila. Be wise every day ang financial security ay nakasalalay sa pananaw sa buhay na tatahakin mo. Pwede naman magbigay pero magtira ka sa sarili mo. Have a great life!”

Ito ang Facebook status ng aking kaibigan na hiningi ko ang permiso para mailathala at maibahagi ko sa inyo. Marahil marami po sa atin ang tinamaan ng status na ito o naiintindihan kung saan nanggagalin ang aking kaibigan. Kahit ako man po ay parang naging Santa Claus na nagpamudmod ng pera sa aking mga kamag-anak sa probinsiya nang una kong balik sa Pilipinas bandang 1990.

Mga ilang balik din po taun-taon ay saka tumimo sa aking isipan na kailangan ng strategy upang kahit konti man o malaki ang aking baon ay hindi ako mauubusan ng dalang pera.

Narito po ang aking mga suggestions upang maging simple sa buhay at mapagkasya natin ang ating pera tuwin uuwi tayo ng ‘Pinas para magbakasyon:

1.    Bago umuwi ng ‘Pinas ipadala ang pera bank-to-bank o thru remittance door-to-door kung lalampas ng “100 lapad” ang pera upang sa gayon ay kaunti lamang ang pera sa bulsa. Kung equivalent to US$10,000 or more ang dala sa bulsa ay maaaring makumpiska ng Philippine Immigration o saan man na Immigration ng ibang bansa pag nahulihan po tayo dahil paglabag ito sa international money laundering law.
2.    Huwag ipaalam sa iba na uuwi ka maliban sa magulang at kapatid na susundo. Huwag po isang jeep ang sasalubong at dagdag pa po sa gastos.
3.    Kung maaari ay magpa-schedule ng flight sa gabi o ang dating sa ‘Pinas ay hatinggabi na para lahat ay tulog na at pagdating ay maaari na rin kayo kaagad magpahinga.
4.    Combine giving money with goods o ‘di kaya ay goods lang: magulang, kapatid at mga pamangkin – sanayin natin silang tumanggap sa atin ng mga recycle goods mula sa ukay-ukay sa Japan. Ibigay na lang ang pera sa charity o talagang mahihirap na hindi natin kilala at hindi tayo masusuklian dahil ang sabi ng Diyos, “hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33).
5.    Magplanong magkaroon ng investment (real estate o maliit na business) at ilaan ang dalang pera para rito upang sa gayon kapag mayroong mangungutang ay sabihin na lang na, “Sorry nagastos ko na po ang dala kong pera. Bigyan ko na lang po kayo ng kaya ko.”
6.    Huwag pong magsuot ng maraming burloloy o alahas sa katawan kung aalis ng bahay dahil mainit sa mga mata ng mga snatcher o holdaper ang mga ito. Ang iba rin po ay maaaring mainggit o magalit sa atin dahil sa inggit kaya mabuti na po iyong simple lang, may pera man o wala.
7.    Magblow-out na lang minsanan sa lahat.  Lutong-bahay ang ihanda upang makamura at makarami ng handa (kung kaya pa ng bulsa). Maaaring one week bago bumalik ng Japan o depende sa schedule.


Sana po ay nakatulong ang aking mga suhestiyon dahil kailangan din naman po nating protektahan an gating pinaghihirapang kitain sa ibang bansa. God bless po sa ating lahat and have a happy and meaningful life with God in our everyday lives! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento