Ni Rey Ian Corpuz
Bilang
isang OFW at kahit na tayo ay permanent resident visa holders dito sa Japan,
importante bilang isang Pilipino na makilahok sa nalalapit na eleksyon. Totoo
na talagang nakakawalan ng gana ang pagboto dahil sa ang mga nahahalal sa mga
posisyon na kalimitan ay nasasangkot sa mga katiwalian pero responsibilidad pa rin
natin ang piliin ang kandidatong nararapat.
Ayon
sa istatistika, may mahigit 200,000 Pilipino ang naninirahan sa buong Japan, pangatlo
sa pwesto kasunod ng mga Instik at Koreano. Kung tutuusin ay maliit na bilang
lamang ito kung ikukumpara sa bilang ng mga botante sa Pilipinas na umaabot ng
milyun-milyon. Subalit sa pangkahalatan, kung ang lahat ng mga OFW at mga
permanent resident visa holders sa ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, USA,
Australia, UK at marami pang iba ay tiyak na aabot din tayo ng milyun-milyon.
Sa
talaan ng Philippine Statistics Authority noong 2012, nasa 2.2 milyon na ang
mga Pilipino ang nagkalat sa iba’t ibang panig ng mundo. Karamihan ay
nagtatrabaho bilang guro, engineer, nurses at mga skilled labor.
Sa
tingin ko, kung ang mga 2.2 milyong OFWs ay boboto sa bisa ng Overseas Absentee
Voting Act ay magiging isa tayong malaking sektor ng mga Pilipino na kayang maghalal
ng isang presidente, bise presidente o mga senador.
Ano
nga ba ang Overseas Absentee Voting Act?
Matagal
na itong aprubadong batas na nagbibigay oportunidad sa lahat ng mga Pilipinong
nagtatrabaho sa labas ng Pilipinas na bumoto tuwing may eleksyon. Ibig sabihin,
hindi mo na kailangang umuwi ng Pilipinas para bumoto. Kailangan mo lang ay
magparehistro sa pinakamalapit sa Philippine Embassy o Consular Office.
Ipapadala lang sa iyo ang abiso sa pagboto sa inyong bahay. Hindi mo na
kailangang lumiban sa trabaho para lang pumunta sa embahada o consular office
para lang bumoto.
Sa
buong buhay ko, ngayon lang ako nagparehistro dahil sa tingin ko magiging
makulay ang darating na eleksyon. Karamihan sa mga Pilipino rito sa Japan ay
walang pakialam masyado sa nangyayari sa eleksyon sa atin dahil unang-una
karamihan ng nahahalal ay mga trapo at kurakot. Nakakasawa kung baga.
Sa
bagay kung wala ka ba namang pagpipiliang magandang alternatibo, nakakawalan ng
gana talagang bumoto. Ang mga Pilipino din sa Japan ay napakaabala sa trabaho
na ultimo Sabado o Linggo ay may trabaho. Kulang din sa panahon upang siyasatin
at kilatisin ang mga kumakandidato. Basta para sa karamihan, ay sikat o maamo
ang mukha, eh tiyak iboboto natin. Tama ba?
Pero
sa panahon ng social media kagaya ng Facebook at mga online news sutes, madali
lang natin malaman ang background ng mga tatakbo sa eleksyon. Tiyak at nakikita
ninyo rin ito sa mga libreng videos na ina-upload ng mga TV networks sa
kanilang Facebook accounts.
Malapit
na ang May 13, 2016 elections. Labing-isang buwan na lang. At ang deadline para
sa rehistro ng Overseas Absentee Voting ay hanggang Oktubre na lamang. May
napupusuan ka na ba?
Sana
naman tayong mga OFWs ay maghalal ng karapat-dapat na presidente. Sawang-sawa na
po tayo sa mga pangako ng mga pulitiko.
May
tatlo pong dahilan kung bakit tayo nakikipagsapalaran dito. Una, dahil
in-demand iyong skills natin dito at nagkukulang sa workforce ang Japan.
Pangalawa, baka kayo po ay nakapag-asawa ng Hapon kaya napili ninyo na rito
manirahan. At pangatlo, baka walang magandang trabaho sa Pilipinas kaya
napilitan tayong mangibang-bayan.
Karamihan
sa profile ng karamihan sa Japan, pasok ito sa pangalawa, o ang pagkakaroon ng
asawang Hapon pero ang pangatlo na kung saan hindi kayang ibigay ng ating bansa
ang magandang trabaho ang nagtutulak sa halos lahat ng mga Pilipinong mangibang
bansa. Kasali po ang inyong abang lingkod sa pangatlo.
Parami
na ng parami ang bilang ng OFWs sa iba’t ibang bansa na nagpapadala ng pera sa
Pilipinas. Maganda para sa ating lokal na ekonomiya pero ang tanong, hanggang
kailan po tayo magiging OFW sa ibang bayan?
Sana
po ay magkaroon na po ng long-term solutions ang ating pamahalaan na dagdagan
ang trabaho para sa lahat upang hindi na tayo mangibang-bayan. Ang 200,000
mahigit na mga OFWs sa Japan at ang dalawang milyong OFWs sa buong mundo ay
kayang maghalal ng karapat-dapat na pangulo kaya maging mapagmasid at maging
wais po sa ating desisyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento