Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa MOFA |
Pangalawa ang mga Pilipino sa pinakamataas
na bilang ng mga dayuhan na nabigyan ng Japanese visa noong 2014, ito ang
pahayag ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) kamakailan.
Ayon sa ulat na inilabas ng MOFA, umabot
sa 163,386 ang mga Pilipinong nabigyan ng Japanese visa noong nakaraang taon na
katumbas ng anim na porsyento ng kabuuang total.
Umabot sa 2,871,639 ang mga
Japanese visa na naibigay sa mga dayuhan mula Enero hanggang Disyembre, mas
mataas ng 54% mula sa 1,864,425 noong 2013.
Bukod sa mga Pilipino, kasama rin
sa top 10 ang mga Chinese na umokupa ng unang pwesto kung saan 2,048,106 ang
nabigyan ng Japanese visa o 71% ng kabuuang total. Pangatlo ang mga Indonesian
na may 141,321 o limang porsyento, pang-apat ang mga Vietnamese na umabot sa
96,648 o tatlong porsyento.
Panglima naman ang mga Indian na
umabot sa 66,696 o dalawang porsyento, pang-anim ang mga Russian sa 57,606 o
dalawang porsyento, pampito ang mga Brazilian sa 34,217 o isang porsyento, pang-walo
ang mga Thai sa 21,322 o isang porsyento, pang-siyam ang mga Amerikano na may
19,017 o isang porsyento at pang-sampu ang mga Korean na may 18,861 o isang
porsyento. Habang ang ibang nasyonalidad ay umabot naman sa 204,459 o pitong
porsyento.
“With the weakening yen, the
expansion of the consumption tax exemption program and other factors, the
number of visitors exceeded 13,410,000. Along with this, the total number of visas
issued marked a record high,” ito ang pahayag ng Japan National Tourism
Organization (JNTO).
Matatandaang inaprubahan ng
pamahalaang Hapon ang pagpapatupad sa mas pinaluwag na pagkuha ng
multiple-entry visa at single-entry tourism visa ng mga Pilipinong turista
patungong Japan simula noong nakaraang taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento