Microsoft CEO Satya Nadella |
Isang
napakalaking hamon ngayon ang nag-aantay kay Nadela, isang 22-taong beterano sa
Microsoft. Bagaman nagmula sa Microsoft ang Microsoft Windows operating system
at Microsoft Office suite na isang productivity software, sa ngayon ay iba na
ang naghahari sa industriya na minsang dominado ng Microsoft.
Nariyan
ang mga dati at mga bagong mahihigpit na karibal ng Microsoft, gaya ng Google,
Apple, Amazon, HP, Salesforce, Oracle, IBM, Samsung, Lenovo, at maging ang
Facebook.
Dominante
ang Google dahil sa Android na siyang nangungunang smartphone at tablet operating
system. Maliban dito, nariyan ang mas paboritong search engine na Google. Tila
haring kampante naman sa kanilang trono ang Apple pagdating sa smartphone
market. May Amazon Web Services naman ang Amazon, na may kumpletong pangkat ng
cloud computing services: compute/networking, storage, database, application
services, at deployment/management.
Bagaman
ang Oracle ay pangalawa lamang sa Microsoft pagdating sa “software making,”
hindi naman sila maungusan ng Microsoft sa database management systems nito. At
ang Apple, Samsung, at Lenovo na kumukuha ng malalaking market share sa
smartphone at table market.
Ayon
sa maraming eksperto, kinakailangang magkaroon ng magandang presensiya ang
Microsoft sa Cloud Services o Cloud Computing ( a variety of computing concepts
involving a large number of computers connected through a real-time
communication network such as the Internet). Narito sa industriyang ito ang
pag-asa ng Microsoft para maging makabuluhan muli sa industriya ng teknolohiya.
At isa itong malinaw na dahilan ng pagkakapili kay Nadella bilang bagong CEO.
Napakahalaga rin na magkaroon ng pagbabago sa board of directors ng Microsoft,
lalo na’t karamihan sa mga miyembro nito ay hindi eksperto sa sektor ng
teknolohiya.
Dating
Cloud and Enterprise EVP at server and tools president si Nadella at
pinakamalaking kredito nito ang pamumuno niya sa paglaki ng $20 bilyon sa
taunang kita ng server and tools division, ganoon din sa malaking paglago ng
cloud computing services, kabilang na ang mga produktong Xbox, Bing at
Microsoft Office. Mananatili namang technology advisor si Bill Gates sa
kumpanya.
Ipinanganak
at lumaki sa Hyderabad, India si Nadella na 46-taong gulang. Nagtapos ng
bachelor’s degree sa electrical engineering sa Mangalore University, India;
master’s degree sa computer science mula sa University of Wisconsin, Milwaukee;
at master’s degree sa business administration sa University of Chicago. Naging
bahagi siya ng Microsoft noong 1992 habang tinatapos ang isang master’s degree.
Mahilig si Nadella sa panulaan at sa cricket na kinalakihan niyang klase ng
sports.
Naniniwala
siya na iisa ang layunin ng mga empleyado ng Microsoft, ito ay para baguhin ang
mundo sa pamamagitan ng teknolohiya para mabigyang kapangyarihan ang lahat na
gumawa ng mga pambihirang bagay. Maraming kumpanya na ganito rin ang layunin
ngunit hindi lahat ay taglay ang mga elemento ng talento, mapagkukunan, at
pagiging masigasig, na mayroon ang Microsoft. Malaking inspirasyon din niya ang
mga nakapaligid sa kanyang mga empleyado at sa kanilang mga kakayahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento