ni
Jovelyn Javier
Kuha ni Jovelyn Bajo |
Kinikilala
sa buong mundo ang nakakamanghang talento ng mga Pinoy sa industriya ng musika.
Nariyan ang mga world-class talents na sina Lea Salonga, Dulce, Regine
Velasquez, Christian Bautista, Jed Maddela, Charice Pempengco at marami pang
iba. Sa paglulunsad ng K-Pop Idol Search Pinoy Edition, mas lalo pang maipapakita
ng maraming Pinoy ang kanilang talento, hindi lang dito sa bansa kundi maging
sa buong mundo.
Sa
pakikipagtulungan at tiwala ng bansang South Korea sa talentong Pinoy, nagkaisa
ang HBKOR, Inc. at People’s Television Network sa pagsisimula dito sa bansa ng
unang bahagi ng Asian Roadshow na mapapanood sa darating na Setyembre sa PTV4.
“Personal
kong nasaksikhan ang pag-angat ng mga Filipino performers dito sa Pilipinas at
sa ibang bansa. Pambihira ang talento, istilo, galaw at presensiya ng mga Pinoy
na performers. Ito ay napakahalagang bagay na dapat ay binibigyang-pansin ng
international entertainment industry,” ani Kim Jung-su (Consultant – PTV4 / President –
HBKOR, Inc.).
Natatangi
ang K-Pop Idol Search dahil hindi lang ito naka-sentro sa pag-diskubre ng mga
tunay na talentong Pinoy sa siyudad. Maging ang mga malalayong lugar gaya ng
Batac sa North Luzon at Surigao sa katimugang bahagi ng Mindanao ay mararating
ng KIS Pinoy Edition. Isa itong mainam na istratehiya para lahat ng may talento
ay may pagkakataon maipakita ang kanilang kakayahan at sa kalaunan ay maaaring
maging isang world-class performer din.
Maliban
dito, may pagkakataon ang mga kasali sa kumpetisyon na gamitin ang isang mobile
at high-technology recording station para makagawa ng magandang audition video.
Magsisilbi
rin ang kumpetisyon na hudyat ng pagbabagong bihis ng PTV4. Dagdag pa ni PTV4
General Manager Cleo Dongga-as, “Ang performing arts ang susi sa mas
pag-engganyo at pagbuo ng mga pangarap ng mga kabataang Pinoy.”
Lilibot
ang mga hurado at organizers para pumili ng isa sa bawat 82 probinsiya at 17
local government units sa Maynila, kabilang na dito ang mga siyudad. Tinatayang
mga 99 na provincial qualifiers ang makikipagtagisan sa regional qualifying
stage ng kumpetisyon.
Tatakbo
mula Abril 1 hanggang Agosto 31 ang unang bahagi ng kumpetisyon. Bukas ang
kumpetisyon sa lahat ng Pinoy na edad 14 – 35 na may natatagong talento sa
pagkanta, pagsayaw at may malaking pangarap na maging world-class performers. Kailangan
lang magpasa ng audition video na naglalaman ng pagpapakilala sa sarili, dance
performance at song performance.
Limang
kampeon ang papangalanan sa huling bahagi ng kumpetisyon, kung saan
makakatanggap sila ng limang taong ekslusibong kontrata sa isang Korean-based
talent management, anim na buwan ng pagsasanay sa Korea at mahigit sa P 2
milyong cash prize.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento