Ni
Florenda Corpuz
Ambassador Manuel Lopez and NHCP
Chair Maria Serena Diokno unveil the historical marker at the property’s
entrance, assisted by (L-R) Philippine-Japan Society President Francis Laurel, former
Ambassador Jose Macario Laurel IV and former National Historical Commission of
the Philippines Chairman Ambeth Ocampo.
|
TOKYO, Japan – Pormal nang
iprinoklama ang official residence ng Philippine ambassador sa Japan bilang
kauna-unahan at nag-iisang national historical landmark sa labas ng Pilipinas.
Ayon sa NHCP Guidelines on the
Identification, Classification, and Recognition of Historic Sites and
Structures in the Philippines, ang isang National Historical Landmark ay “site
or structure closely associated with a significant historical event,
achievement, characteristic, turning point or stage in Philippine history.”
Sa isang seremonya na ginanap sa
Fujimi, Chiyoda-ku noong Marso 3, ipinakita ang historical marker kung saan
nakasaad ang mga katagang “Ipinahayag bilang pambansang palatandaang pangkasaysayan
sa bisa ng resolusyon blg. 1 ng pambansang komisyong pangkasaysayan ng
Pilipinas. 11 Marso 2013.”
Nanguna sa seremonya sina Philippine
Ambassador to Japan Manuel M. Lopez at National Historical Commission of the
Philippines (NHCP) Chair Dr. Maria Serena I. Diokno at sinaksihan ng mga
opisyal ng Embahada at Japanese Foreign Ministry. Dumalo rin sa pagtitipon sina
dating NHCP Chair Dr. Ambeth R. Ocampo at ilang miyembro ng pamilya Laurel sa
pangunguna nina Philippines-Japan Society, Inc. President and Director Francis
C. Laurel at dating Philippine Ambassador to Brazil Jose Macario Laurel IV.
“This is a historic and momentous
occasion that honors the history and national patrimony of the Philippines,” pahayag ni Lopez.
Matatagpuan sa loob ng
4,500-square meter na pag-aari ng Tokugawa Shogunate, ang Iberian-style
residence ay unang itinayo noong 1934 ng pamilya ng kilalang negosyante na si
Baron Zenjiro Yasuda, ang great-grandfather ni Yoko Ono na maybahay ng yumaong
Beatles member na si John Lennon.
Ito ay binili ni dating pangulo
Jose P. Laurel para sa pamahalaan ng Pilipinas noong Marso 31, 1944.
Sa kasalukuyan, ang Kudan na siya
rin tawag sa residence dahil sa lokasyon nito na malapit sa Kudanzaka hilltop,
ay nagsisilbi bilang tahanan ng ambassador at sentro ng diplomasya at promosyon
ng kultura ng Pilipinas.
“Kudan is the crown jewel of the Philippine
Foreign Service, and we should preserve this important part of our diplomatic
legacy and heritage,” dagdag ni
Lopez.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento