Cherie Gil is Diana Vreeland
Tampok
si Cherie Gil bilang Diana Vreeland, isang maimpluwensiyang fashion columnist
at editor ng Harper’s Bazaar at Vogue, at pinangalanan sa International Best
Dressed List Hall of Fame 1964. Mula sa MyOwnMann Productions, Inc.; Actor’s
Actors Inc.; kasama ng Full Gallop at mula sa panulat ni Mary Louise Wilson at
Mark Hampton.
Ang
one-woman play ay nakatakda noong 1971 sa Park Avenue, apartment ni Vreeland,
pagkaraan ng apat na buwang pamamalagi sa Europe – isang pagbiyahe na ginawa
niya mula nang matanggal siya sa Vogue magazine.
Mapapanood
ang “Diana Vreeland” mula Marso 14, 15, 16, 21, 22, 23. Biyernes at Sabado sa
ganap na 8pm at Linggo tuwing 4pm sa Carlos P. Romulo auditorium, RCBC Plaza,
Ayala Avenue, Makati.
PETA closes 46th Theater
Season with ‘Rak of Aegis’
Muling
mapapakinggan ang mga kanta ng 90s pop-rock band Aegis sa “Rak of Aegis” mula
sa produksyon ng PETA. Tampok ang mga kantang gaya ng “Luha,” “Halik,”
“Sundot,” “Christmas Bonus,” at “Basang-basa sa Ulan” mula sa pagganap ng
magagaling na pangalan sa teatro: Isay Alvarez-Seña, Robert Seña,
Aicelle Santos at Joan Bugcat.
Isang
kwento ng pag-ibig, kasikatan, at katibayan ng loob ang Rak of Aegis. Ang
salaysay ay nakasentro sa pamumuhay ng mga residente ng binahang nayon ng Villa
Venizia. Dito makikilala si Aileen na nasa gitna ng pag-ibig at kasikatan para
suportahan ang pamilya.
Mapapanood
ang “Rak of Aegis” hanggang Marso 9 sa PETA Theater Center.
August: Osage County, isang modernong
pampamilyang kwento
Tungkol
sa Weston family at ang kanilang hindi pagkakaintidihan dahil sa mga personal
na pinagdadaanan ang Tony Award at Pulitzer Prize winning play na “August:Osage
County.” Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Weston family nang mawala ang
kanilang amang si Beverly. Dito magbubukas ang maraming isyu ng bawat miyembro
ng pamilya, na simula ng kaguluhan habang dumadaan sa kalungkutan sa pagkawala
ni Beverly.
Pinangungunahan
nina Baby Barredo, Leo Rialp, Pinky Amador, at marami pang iba. Mapapanood ang
Osage County hanggang Marso 16 at itinatanghal sa Onstage, 2/F Greenbelt1, Paseo
de Roxas cor. Legazpi St., Makati.
Tony-award winning play na ‘Red’
nasa ‘Pinas na
Pinahanga
ng American playwright/screenwriter John Logan ang mga kritiko at mga tagahanga
ng teatro sa West End, London at Broadway, New York nang unang mapanood ang
“Red” noong 2009 sa London at 2010 sa New York. Nanalo ito ng maraming parangal
sa mga respetadong award-giving bodies sa mundo ng teatro.
Tampok
si Bart Guingona bilang Mark Rothko, isang American abstract painter na may
dugong Jewish at si Joaquin Pedro Valdes bilang kanyang fictional apprentice.
Mapapanood
pa ang Red sa Marso 1-2 sa College of Saint Benilde, School of Design and Arts
Theatre.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento