Martes, Marso 25, 2014

Silkworm farmers sa Negros nakatanggap ng tulong mula sa Japan

Kuha mula sa Embahada ng Japan website
Nakatanggap ng sericulture tools at ilang pang kagamitan ang mga magsasaka sa Bago City, Negros Occidental matapos ang ceremonial turnover na dinaluhan nina Japanese Embassy First Secretary Ryutaro Aoki at Negros Occidental Governor Alfredo MaraƱon kamakailan.

Ang proyekto, “Support for Sericulture Tools and Weaving Machines in Negros Sericulture Project” ay nagkakahalaga ng ¥2.568 milyon na pinondohan sa ilalim ng Grant Assistance for Japanese NGO Projects.

Nakapaloob sa proyektong ito ang pamimigay ng karagdagang 1,500 sericulture tools at tatlong weaving machines upang magamit ng mga magsasaka at mga kababaihang mananahi sa Negros sa paggawa ng silk at silk products. Ang mga kagamitang ito ay mula sa Japanese farmers at Japanese weaving company kung saan naatasan ang Organization for Industrial, Spiritual and Cultural Advancement (OISCA) International para ipamigay ang mga ito.

Ang OISCA ay isang Japanese nongovernment organization na naglulunsad ng mga development projects sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pilipinas.

Kilala ang Negros Occidental sa paggawa ng asukal kaya’t maraming pamilya ang nakadepende ang pamumuhay sa produksyon nito. Noong 1980s ay hindi naging matatag ang bentahan ng asukal kaya’t nagpasya ang OISCA na ipakilala sa bayan ng Murcia ang mulberry plantation project para makatulong na maiangat ang pamumuhay ng mga residente nito.

Nagpatayo ang OISCA, sa tulong ng Japan NGO Assistance Program, ng silk reeling center, Bago Sericulture Center, na may cocoon dryer at mga makina. Mula sa pagiging exporter ng dried cocoons sa Japan, ang naturang center ay nakakagawa ng tone-toneladang silk kada taon at sa pagdadagdag ng Silkworm Breeding station ay nakakagawa na rin ang mga magsasaka ng silk cloths na tinatahi mula sa silk yarns.


Ngayon, mayroon ng limang sangay ang Bago Sericulture Center sa limang bayan sa Negros kung saan 95% ng silk production ng bansa ay mula rito. Inaasahan na sa pamamagitan ng proyekto ay lalo pa itong makakatulong sa pag-angat sa pamumuhay ng mga silkworm farmers sa Negros.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento