Martes, Setyembre 5, 2017

Pilipinas at Japan magtutulungan para isulong ang pamumuhunan sa bansa

Nilagdaan nina Trade Undersecretary and BOI Managing Head Ceferino 
Rodolfo (kaliwa) at Mizuho Bank, Ltd. Chief Executive Officer /Joint Head of Asia 
Oceania Masaki Seki (kanan) ang MOU para sa pagsulong ng pamumuhunan sa Pilipinas.
 Kasama nila (mula kaliwa) sina BOI International Investments Promotion Service 
Director Angelica M. Cayas, DTI Assistant Secretary for Industry Development Rafaelita M. Aldaba,
 Mizuho Corporate Bank, Ltd. Manila Branch General Manager Tsutomu Yamamoto, 
at Mizuho Corporate Bank Ltd. Manila Branch Joint General Manager Atsuya Kono.
Lumagda ng Memoramdum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Japan na may layuning palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa negosyo sa pagsulong ng pamumuhunan sa bansa.

Nilagdaan ang MOU sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng industry development at investments promotion arm nito na Philippine Board of Investments (BOI) at Mizuho Bank, Ltd., ang integrated retail at corporate banking unit ng Mizuho Financial group at isa sa pinakamalaking financial services companies sa Japan.

Pinangunahan nina Trade Undersecretary and BOI Managing Head Ceferino Rodolfo at Mizuho Bank, Ltd. Chief Executive Officer/Joint Head of Asia Oceania Masaki Seki ang paglalagda na ginanap kamakailan.

“We have all of the elements in the industrial cooperation that is why we are excited on the collaboration. We can also learn from your global expertise particularly on the project finance and industrial research. As we are in the golden age of economic relationship with Japan, we hope that our partnership will attract more Japanese investors to do business in the country,” pahayag ni Rodolfo.

Ang Mizuho ang unang pribadong kumpanya kung saan nakikipagtulungan ang BOI sa mga investment promotion activities nito.

“This MOU is not only a milestone, but also a commitment for us to make the economic ties of Japan and Philippines stronger by helping your country attain further socio economic growth. We will be delighted to promote your country and bring in more Japanese investments that would be beneficial not only for the large companies and more so for the small and medium enterprises in the Philippines,” sabi ni Seki.

Magtatatag ang MOU ng “mutually beneficial cooperation to promote investment opportunities, exchange information on the guidelines in doing business and industry information, and other joint efforts that will foster economic and industrial linkages between investors and corporations.”

Ang Japan ay isa sa mga nangungunang namumuhunan sa Pilipinas na nagbukas ng trabaho para sa mga Pilipino. Mahigit 1,400 na kumpanyang Hapon ang pumasok sa merkado ng Pilipinas at inaasahang tataas pa.


Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang Japan ang pang-apat sa nangungunang foreign investing countries sa Pilipinas na may Php27.06 bilyon na halaga ng pamumuhunan noong taong 2016.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento