Martes, Setyembre 26, 2017

Tulong sa 242,000 Pinoy sa Japan tiniyak ni Cayetano

Ni Florenda Corpuz

Nakipagdiskusyon si Cayetano kay DFA Assistant Secretary Millicent
Cruz-Paredes at Ambassador to South Korea Raul Hernandez tungkol
 sa DPRK missile test sa kanyang pagbisita sa Seoul, South Korea
kamakailan. (
Kuha mula sa DFA)


Handa ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo at Konsulado sa Osaka para tulungan ang mga Pilipino sa Japan kung kinakailangan.

Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano sa isang pahayag kasunod nang paglulunsad ng North Korea ng ballistic missile na lumipad sa Japanese airspace noong Agosto 29.

Ayon sa kalihim, inatasan na niya ang Embahada na patuloy na i-monitor ang sitwasyon at siguruhin na ligtas ang nasa 242,000 na mga Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Japan.

“I wish to assure our kababayans in Japan that our Embassy in Tokyo and our Consulate General in Osaka are prepared to assist them should it be necessary,” pahayag ni Cayetano.

Bago ito ay nagpahayag ng “grave concern” ang Pilipinas sa isinagawang pagpapakawala ng ballistic missile ng Pyongyang na lumipad sa southern Hokkaido sa loob ng dalawang minuto, 5:58 ng umaga (Japan time) at nagbigay ng “J-alert” sa mga tao na lumikas sa emergency shelter.

“We call on the DPRK to halt these dangerous and provocative actions, which heighten tensions, increase instability and the risk of miscalculation, and could possibly endanger lives,” ani Cayetano.

“ASEAN and the Philippines, as this year’s Chair, remain committed to peaceful resolutions of conflict,” dagdag niya. “While we are ready to do our part, provocations such as this latest missile launch should stop to help us put in place an environment that would be conducive for dialogue.”

Ito na ang pangalawang beses na nagpakawala ng missile ang NoKor na lumipad sa Japanese airspace. Una ay noong 1998.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento