Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa TM&©TOHO CO., LTD. |
Nakatakdang ipalabas ang digitally restored version ng orihinal na 1954 na black-and-white
film na “Godzilla” na idinirehe ni Ishiro Honda sa Oktubre 31 sa Tokyo
International Forum, Hall C bilang isa sa mga highlights ng 30th Tokyo
International Film Festival (TIFF).
Sasabayan ito ng Tokyo Philharmonic
Orchestra na magbibigay-buhay sa iconic soundtrack ng classic film na isinulat
ng namayapang composer na si Akira Ifukube. Magsisilbing conductor ang kanyang
estudyante na si Kaoru Wada, kasama ang choir group na Chor June.
Bago ang screening at live
performance ay magkakaroon muna ng talk show na pinamagatang “Godzilla:
Present, Past, Future.” Dadaluhan ito ng 12-time Godzilla suit actor na si Haruo
Nakajima pati na rin nina Shogo Tomiyama, Heisei series producer at Shinji
Higuchi, Shin Godzilla director para pag-usapan kung ano ang pang-akit ng
Godzilla sa bagong henerasyon ng mga fans.
Hawak ni Godzilla ang record sa
pinakamaraming beses na pagdalo sa TIFF.
Tumabo sa takilya ang 1954 movie at
naging inspirasyon ng franchise na hanggang ngayon ay tinatangkilik ng mga
manonood. Nakatakdang ipalabas ang Hollywood film na “King of the Monsters” sa
2019.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento