Ni Jovelyn Javier
Halos lahat ng mga paboritong anime series at
animated films noon at ngayon ay nagsisimula muna bilang “manga” (Japanese
comics) na may serialization sa mga manga magazines. Ngayon, isinasalin na rin
ang mga kwento nito bilang mga drama sa telebisyon at mga bigating pelikula. Ngunit
paano at saan nga ba galing ang manga, na hindi lang isang entertainment kundi
isang klase ng literatura ng sining?
Sa pamamagitan ng international traveling exhibition
na pinamagatang “Manga Hokusai Manga: Approaching the Master’s Compendium from the
Perspective of Contemporary Comics,” ipinakita ang kinikilalang pinagmulan ng manga
at madidiskubre ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Hokusai Manga at makabagong
manga.
Isinagawa ang exhibition kamakailan sa Ateneo Art
Gallery at inilunsad na rin sa Rome, Bologna, Brussels, Dublin, Hanoi, Ho Chi
Minh at Bangkok (Agosto 17- Setyembre 22, 2017).
The term ‘Manga’ and Hokusai
Manga
Ayon sa exhibit guidebook, ang salitang manga ay
isinusulat sa dalawang Sino-Japanese characters na 漫 (man – diverse, random, ramblings, capricious) at 画 (ga – line drawing, picture) na nagsimulang
lumawak ang paggamit nito sa unang bahagi ng 19th century Japan, at
tumutukoy sa mga malakihan at sari-saring koleksyon ng larawang-guhit. Ngunit hindi
ang ukiyo-e artist na si Katsushika Hokusai ang lumikha ng salita.
“Denshin kaishu” (conveying the spirit, learning
the trade), ito ang unang makikita bago ang pamagat na Hokusai Manga (random
sketches from life), na tumutukoy sa layunin ng naturang koleksyon. Ito ang
itinuturing na unang reference book ng mga estudyante sa pictorial art at
design noong early 1900s, na inilathala mula 1814-1878 at binubuo ng 4,000
larawan, 800 pahina at 15 stitched-bound volumes.
Nang madiskubre ito ng mga Europeans, nabighani
sila sa mga larawan na nagpapakita ng makatotohanan at malinaw na representasyon
ng pang-araw-araw na pamumuhay noong Edo period.
Nagmula sa Hokusai Manga ang inspirasyon ng “How
to Draw Manga” manuals gaya na lang ng “Manga College” ni Osamu Tezuka. At
maging mga modernong manga ay ginawang karakter si “Hokusai – Sarusuberi”
(1983-87/ Sugiura Hinako), “Hokusai” (1987/ Ishinomori Shotaro), “Mugen no Jūnin” (1993-2012/Samura
Hiroaki), “Adandai: The Demon Painter” (2012-13/Saeki Konosuke), at “Contemporary
Currents of Thought on Ukiyo-e: Even the Sensitive Heart is in Love” (2009/Sakura
Sawa).
Manga like Ukiyo-e,
Ukiyo-e like Manga
Ang karaniwang Japanese art noon na Ukiyo-e ay
nagtataglay din ng parehas na katangian gaya ng modernong manga ngayon – may
balloons, symbolic lines, eye size, at paneling ngunit magkaiba ang pamamaraan
noon.
Noon, ang speech balloons ay naglalaman ng panaginip
at mga iniisip (using the form of prose text, pictorial representation or both)
at hindi mga dayalogo; sa halip naman na motion/impact lines ang ginagamit ay
iba ang simbolismo ng mga linya noon (black lines to render the release of evil
spirits/light streaks to suggest spiritual power); ang depiksyon ng mga tao
noon ay ‘di makikitaan ng manga/anime eyes (wide eyed characters) kundi mga
karakter na maliliit ang mga mata (seen in courtesans, stage actors) maliban sa
warrior prints; at ang paneling/pictorial sequence (breaking down a picture
plane into small frames) ay ginagamit na ngunit ‘di nga lang para sa narrative
use.
Kaya gumagamit ng malalaking mata ngayon ay dahil
nangangahulugan ito ng “trustworthiness,” samantalang ang mga nakakadudang
karakter ay almond-shaped naman ang mga mata dahil ang ganitong hugis ay
pumipigil sa emosyon na empathy.
Hokusai Manga’s
connection to contemporary manga
Ilang contemporary manga artists ang nagbigay ng
original work contributions sa exhibit, mula rito ay napagpasiyahan na hindi sa
aesthetic qualities ang koneksyon ng nakaraan at ng kasalukuyan, sa halip ito
ay sa cultural potential, popular imagery sharing, at high participatory nature
ng parehong klase ng manga.
Ayon pa sa The Story of Isobe Isobee: Life is
Hard in the Floating World (Nakama Ryo), ang susi ng isang enjoyable manga ay
hindi dahil sa pictorial style at character design, ito ay nasa narrative
setting, diction, at accessible cultural references gaya ng social phenomenon
na “hikikomori” (acute social withdrawal).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento