Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Feed your body and soul at Luljetta’s Hanging Gardens and Spa in Antipolo


Maagang pumasok ang tag-ulan sa Pilipinas at dito naman sa Japan ay nagsisimula na ang autumn season, parehas na klase ng panahon na medyo gloomy ang pakiramdam. Kapag tag-ulan, lalo na kung malakas ito, madalas nakakatamad lumabas at idagdag pa na mas trapik kapag umuulan. Ngunit kahit naman tag-ulan, maaari pa rin naman ang magbakasyon at mag-relax na hindi kailangang lumayo.

Sa Loreland Farm Resort sa Barangay San Roque, Antipolo ay nakatago ang Luljetta’s Hanging Gardens and Spa na nagtataglay ng magandang kumbinasyon ng unique pampering packages; relaxing green scenery, fresh-organic menu; wide selection of amenities; at nakapagandang view ng Sierra Mountain Ranges, Laguna de Bay, Metro Manila skyline, at ng buong Antipolo. Ito rin ang kauna-unahang hanging gardens and spa sa bansa.

Like a front row seat

Hindi ba’t nakaka-relax at nakakamangha ang magmasid sa kabuuan ng paligid mo mula sa mataas na lugar gaya ng kapag nasa viewing deck ka ng Tokyo Tower?

Bagaman walang viewing deck sa Pilipinas, maaari mo pa rin magawa ang parehas na karanasan sa Luljetta’s mula sa mga mountainside pools at spa nito – ang main attraction na hydrotherapy pools, partikular na ang infinity pool at hydromassage pool kung saan pinakamagandang pagmasdan ang mga iba’t ibang kulay ng view. Mainam naman maglagi sa tinaguriang Sunset Hut para pagmasdan ang nakakaantig na pagbaba ng araw.

Get a healthy dose

Magbabad din sa fish spa zen ponds na tiyak ay makatatanggal ng pagod mo sa iyong paglalakad-lakad sa buong lugar habang pinapaligiran ka ng mga puno’t halaman. At kapag nagsimula nang umulan sa hapon o gabi at medyo lumamig na ang kapaligiran, magandang mag-detox sa sauna o mag-hot bath sa jacuzzi.

Pagkatapos, pumunta sa bamboo huts para magpa-body massage (grape seed oil, signature massage, ginger ventosa, hand or foot reflex, head-back massage, ear candling) foot spa o all-natural body scrub (coffee scrub, sweet calamansi scrub, red wine scrub, choc’late scrub). Mayroon din spa enhancers – flawless feet, flawless feet with herbal foot bath, soft touch, soft touch with paraffin wax, manicure, at pedicure.

Pwede rin mamili mula sa tatlong package ng Luljetta’s Spa Journey – Comfort, Nurture, at Rejuvenate na may kasamang access to hanging gardens facilities, welcome snack/drink, 4 course wellness menu, aromatheraphy welcome kit, at iba pa na nagsisimula sa Php2,450 – Php3,950.

Nariyan din ang Hanging Garden Experience – Hanging Garden Retreat at Hanging Garden Getaway mula Php1,100-Php1,650 kung saan kasama ang mga unang nabanggit na amenities.

Sa pagkain naman, tikman ang in-house garden salad mula sa kanilang organic farm, Antipolo suman (topped with sweet mangoes) at lemongrass iced tea. Nagbabago naman ang kanilang main course depende sa panahon.

Distinct Filipino feel

Ang masonry nito ay gawa ng mga taga-Pangasinan, mga kurtina mula sa Rizal province, furniture pieces ng Palawan, synthetic rattan furniture ng Pampanga, wooden bar at flowering plants ng Baguio, daybed na may Abel Iloco Fabric ng Ilocos, droplights na gawa sa abaca ng Bicol at towel/robe na gawa sa batik fabric.

Para pumunta, bumaba sa LRT Santolan, sumakay ng pa-Antipolo na FX o jeep, bumaba sa Antipolo Cathedral at mag-tricycle papuntang Loreland Resort. May mga Antipolo-bound terminals din sa Araneta Center, Cubao; Robinson’s Galleria; SM Megamall; EDSA Central, Mandaluyong; at Ayala Center, Makati.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento