Huwebes, Setyembre 7, 2017

Eiga Sai PH 2017: 20 taon ng sining at kulturang Hapon sa 20 pelikula

Ni  Jovelyn Javier


Espesyal ang taong ito para sa Japan Foundation Manila (JFM) at Eiga Sai, isa sa pinakamalaking film festivals sa  Pilipinas sa selebrasyon nito ng ika-20 taong anibersaryo simula nang ilunsad ito sa bansa noong 1997 sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Ito ay pinasinayaan kasabay ng Philippines-Japan Friendship Month.

Ngayong taon, 20 pelikula mula sa iba’t ibang genre ang dinala ng JFM mula sa family at samurai comedy, animation, drama, horror, at mystery-suspense. Ilan dito ang mga award-winning contemporary films na “Chihayafuru Part 1,” “Chihayafuru Part 2,” “Creepy,” “The Magnificent Nine,” “The Anthem of the Heart,” “Tsukiji Wonderland,” “The Long Excuse,” “What A Wonderful Family,” “Sweet Bean,” “In This Corner of the World,” at “Asian Three-fold Mirror 2016: Reflections.”

Sa unang pagkakataon naman ay ipinalabas sa Tagalized versions ang mga pelikulang “Bakuman,” “Sadako vs Kayako” at “If Cats Disappeared from the World.”

The Japanese family at the center of love, life and death

Sa 20 pelikula, ang opening film na mother and daughter drama na “Her Love Boils Bathwater” ni Ryota Nakano (special opening guest director) at father and son dramedy na “The Mohican Comes Home” ni Shuichi Okita ay may pagkakatulad na tiyak na malapit din sa puso ng mga Pinoy – ang pagpapakita nito ng dalawang klase ng pamilya na parehas sinubok ng cancer at kung paano ito hinarap ng isang pamilya na hindi buo.

Ang isa ay pinangunahan ng isang single mom na si Futaba (Rie Miyazawa) na kinailangang hanapin ang nawawalang asawa para ayusin ang pamilya, mabuksan muli ang bathhouse business ng pamilya, at turuang maging matatag ang dalagang anak na si Azumi sa loob lamang ng dalawang buwang natitira sa kanyang buhay. Tampok din dito sina Hana Sugisaki at Joe Odagiri.

Sentro naman ng isa ang relasyon ng ama at anak, ang school band conductor na si Osamu (Akira Emoto) at struggling punk rock musician na si Eikichi (Ryuhei Matsuda) sa muling pagbabalik ng anak sa kanilang pamilya sa Tobi Island sa Hiroshima, kasama ang buntis na kasintahan pagkaraan ng pitong taong pagkawala. At ‘di inaaasahan, sakto naman ang pagka-diagnose ng ama ng cancer at susubukan ng anak na gawin ang makakaya para sa ama na matagal nang ‘di nakasama. Tampok din dito sina Yudai Chiba, Atsuko Maeda at Masako Motai.

Retrospective showcase of classic films

Bilang prelude sa opening night ay nagdaos ng special screenings ng acclaimed rare classic 16mm films, “The Sting of Death” at “Memories of You,” na unang ipinalabas sa kauna-unahang Eiga Sai at ang pagbabalik ng Academy Award-winning “Departures” bilang mga 20th anniversary feature films na ginanap sa CCP Dream Theater. 

Alliance with Cinemalaya Philippine Independent Film Festival

Bilang allied festival ng Eiga Sai, ipinalabas naman sa Cinemalaya ang black and white indie film na “Poolsideman” (Best Picture Award -Japanese Cinema Splash Tokyo International Film Festival 2016) ni Hirobumi Watanabe na dumating sa bansa para sa isang director’s talk sa CCP Little Theater.

Ang Eiga Sai Ph ay nagbukas nitong Hulyo 6 sa Shang Cineplex – Edsa Shangri-La Plaza at extended hanggang Agosto 29 sa FDCP Cinematheque – Iloilo. Mas malawak na rin ang naaabot ng film festival na umikot din sa FDCP Cinematheque Manila, CCP Complex, UP Film Institute – UP Diliman, Abreeza Mall Cinema at FDCP Cinematheque – Davao, Ayala Center Cebu Cinema, SM City Baguio Cinema at SM City Bacolod Cinema.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento