Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Maggie’s Tokyo introduces ‘The Restaurant of Order Mistakes’: Empowering people with dementia


Isang hindi pangkaraniwan at nakakatuwang karanasan ang inihandog kamakailan ng isang pop-up restaurant na inilunsad ng Maggie’s Tokyo sa Toyosu district, Koto City na tinawag na “The Restaurant of Order Mistakes” (注文をまちがえる料理店). Nito lamang ay idinaos ang isang trial run para sa bagong ideya ng Maggie’s Tokyo at dahil sa tagumpay nito ay pinaplano na ang muling pagbubukas nito kasabay ng komemorasyon ng World Alzheimer’s Day nitong Setyembre 21.

Sa unang rinig, mapapaisip ka talaga kung bakit tinawag ang restaurant na ito sa ganitong pangalan. Nakuha ang ideya ng kakaibang pangalan mula sa children’s story book ni Kenji Miyazawa na pinamagatang “The Restaurant of Many Orders” (1924) tungkol sa dalawang kalalakihang hunters galing Tokyo na mahaharap sa isang pagsubok kung saan nagsasama ang realidad at pantasya sa kanilang pagpasok sa Wildeat House Restaurant sa gitna ng kagubatan.

Quirky concept and driven mission

Pangunahing konsepto at layunin ng Maggie’s Tokyo ay “to awareness and wider understanding of dementia and Alzheimer’s disease.” At dahil dito, kaya’t ang mga servers sa restaurant ay tanging mga mamamayan na may dementia o Alzheimer’s.

Tiwala ang Maggie’s Tokyo na makatutulong ito para magkaroon ng mas malalim na persepsyon ang mga tao tungkol sa brain disease, na sa kabila ng ganitong kundisyon ay nananatiling mayroon silang kakayahan bilang mga produktibong miyembro ng kanilang komunidad at ng lipunan.

Maihahawig din ang konseptong ito sa Hugs Café sa Texas na ang mga empleyado ay mga mamamayang may mental at developmental disabilities.

Nakakapukaw din ng inspirasyon ang makitang nasisiyahan at nalilibang din ang mga senior citizens sa kanilang ginagawa kasama ang ilang nakababatang waiters.   

An amusing and exciting way of dining

Kapag kumakain sa labas, sa bagong restaurant man o hindi ay may mga tao talagang matagal pumili ng oorderin. Dito, ‘di mo na kailangan mag-isip gaano dahil maaaring magkamali ang mga servers sa order na ibibigay sayo kaya’t hindi importante na sobra pang pag-isipan ito o kaya ay pumili ka ng kahit ano.

May tinatawag na “element of surprise” ang klase ng dining experience rito. At dahil hindi mo alam kung ano ang ihahain sa iyo, magugulat at matatawa ka na lang gaya ng naging karanasan ni food blogger Mizuho Kudo na nag-order ng hamburger ngunit ang inihain ay gyoza dumplings. “I’m fine dumplings came, it was delicious. I had a good laugh,” ang pahayag ni Kudo sa kanyang Twitter post.

About Maggie’s Centers

Ang Maggie’s Tokyo ay dinala sa Japan sa pangunguna ng determinasyon nina Masako Akiyama (Professor of Nursing – St. Luke’s College of Nursing, Japan) at Miho Suzuki, isang journalist na na-diagnose ng breast cancer sa edad na 24. Sinusuportahan din ito ng The Nippon Foundation.

Nagbukas ito noong 2016 kung saan ang gusali nito ay idinisenyo ng Cosmos More at may annex museum of design mula naman sa Nikken Sekkei.

Ito ang ikalawang affiliated overseas center ng Maggie’s Centers ng U.K., support centers para sa mga cancer patients at kanilang mga pamilya na inilunsad ni Maggie Keswick Jencks, na nagkaroon ng advanced cancer.

Binuksan ang unang Maggie’s Center sa Edinburg noong 1996 at mayroon nang 20 centers na nasa National Health Service (NHS) cancer hospitals sa U.K. at sa ibang bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento